Chp.9//Alliance

215 9 2
                                    

"Dalawang araw ka nang walang malay. Mabuti naman at nagising ka na." sabi ni Dem.

Hindi ba sya napapagod ngumiti?

"Paano mo ko nakilala? Bakit ako nandito?"

"Dahil nangako ako sayo." bakas naman sa mukha nito ang isang mapait na ngiti.

Nangako?

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon."

--

Wednesday ngayon. 2 days akong absent. After ng breakfast namin ni Demetry ay inihatid rin nya ako agad sa dorm.

Wala akong nakuhang malinaw na sagot sa kanya bukod sa wala akong dapat ipag-alala dahil nasa panig ko siya.

Tinadtad naman ako ng mga tanong ni Stacey pagkauwi ko. San ba daw ako nanggaling, bakit ako absent, ano ba daw ang nangyari sa akin, at kung bakit hindi daw niya ako macontact.

Wala naman akong maibigay na matinong sagot sa kanya dahil wala rin akong alam sa tunay na nangyari.

"Good morning class." nabalik na lamang ako sa kamalayan ng pumasok ang propesor namin. Napatagal na pala ako sa pagmumuni muni dito sa kinauupuan ko.

"Today you're going to have a new classmate."

Tsh. Ilang linggo na ang nakalipas simula ng nagsimula ang klase tapos may bago pang lipat na estudyante?

"You may now enter Mr. Ashwood."

Ashwood? Teka--..

Napukaw ang atensyon ko sa lalaking pumasok ng aming silid.

S-si Demetry? Anong ginagawa niya dito?!

"Good morning everyone. I am Demetry Scythe Ashwood. You can all call me Demetry." at saka pa ito nagbow sa lahat.

"You may take your sit Mr. Ashwood."

Napatingin naman ako sa mga bakanteng upuan.

Mayroon pang tatlong bakante.

Mayroon sa harapan, at dalawa rito sa likuran kung saan ako nakaupo.

Nakaupo kasi ako sa dulong bahagi ng klase sa tabi ng bintana.

Bakante ang katabi kong upuan pati narin ang nasa harapan nito.

Unti-unti naman siyang lumapit sa kinaroroonan ko.

Akmang uupo na siya sa upuan sa tabi ko nang biglang bumukas ang pinto.

*boogsh*

Kulang na lang ay mawasak ito sa lakas ng pagkakasipa rito.

"Mr. Black, hindi porket anak ka ng may ari ng eskwelahan na ito ay pwede ka nang umasta ng ganyan sa loob ng klase ko!" halata ang bakas ng pagkairita sa tono ng boses ng propesor.

Inikot lamang ni Daryll ang paningin at humanap ng mauupuan.

Nagulat na lamang ako ng tapunan niya ako ng malalamig na tingin.

Halos manigas na ako sa kinauupuan ko dahil sa mga tingin niya na iyon.

Ano bang problema niya sa akin? May ginawa na naman ba akong mali?!

Agad naman siyang naglakad patungo sa akin at umupo sa tabi kong upuan.

Nabawi rin naman ang kabiglaan sa mukha ng aking mga kaklase.

Si Demetry naman ay imbes na umupo sa tabi ko ay umupo na lamang ito sa harapan ni Daryll dahil nga sa inukopa na ni Daryll ang silyang uupuan niya sana.

Natapos ang klase ng walang imik si Daryll.

Hindi naman din ako makapagconcentrate dahil sa hindi malamang dahilan ng malamig na pagtrato sa akin ng katabi ko rito.

Ang alam ko ay okay naman kami.

Iniayos ko na ang mga gamit ko saka ako tumayo sa aking upuan.

Nagulat na lamang ako ng hawakan ni Daryll ang aking kaliwang pulso.

"Sumama ka sa akin. Mag-uusap tayo." sabi nito na may malamig na tono.

Akmang hihilahin niya na ako palabas ng silid ng hawakan naman ako ni Demetry sa kabilang braso.

"Sa akin siya sasama." sambit nito habang nakatingin ng diretso kay Daryll.

Ilang segundo silang nagsukatan ng tingin bago nagsalita si Daryll.

"Sino ka naman?" ramdam sa pananalita nito ang autoridad.

Lumapit naman si Demetry sa akin at marahang bumulong sa teinga ko.

"Sa akin ka sasama. Kung gusto mong maliwanagan."

And with that binitawan na niya ang pagkakahawak sa braso ko at nagsimulang humakbang palabas ng silid aralan.

"Bibitiw rin naman pala," sambit ni Daryll. "halika na."

Akmang hihilahin niya ako uli ng pinigilan ko ito.

"Patawad. Sa susunod na lamang siguro tayo mag-usap. Kailangan kong sundan si Demetry."

Bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa sinabi ko.

Hindi ko na inantay pa ang sagot niya at tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sa pulso ko.

Saka ko na lamang haharapin si Daryll. Mas mahalagang maliwanagan muna ako sa mga katanungan na gumugulo sa isipan ko.

Agad naman akong lumabas ng silid.

Wala na si Demetry. Nagtanong ako sa isa sa mga esudyante kung may naoansin ba silang dumaan na lalaking may katangkaran at may kulay asul na mga mata.

Itinuro naman ako ng mga ito patungo sa greenhouse.

Agad naman akong tumungo papunta rito.

Naabutan ko naman si Demetry sa ilalim ng isang puno habang nakapikit ang mga mata.

"Dem!" tawag ko rito.

Nagmulat naman agad ito at lumapit sa akin.

"Ang akala ko'y mas pipiliin mo nanaman siya kaysa sa akin." may bahid na kalungkutan ang tinig nito.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo jan?"

Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya magawang maitulak.

Maya-maya ay kumalas din siya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Mamayang uwian. Hintayin mo ko sa front gate. May pupuntahan tayo."

Nagulat ako ng dumampi ang kanyang mga labi sa noo ko. Ngumiti lamang ito at nagsimula nang maglakad paalis.

"T-teka!"

Huminto ito sa paglalakad ngunit hindi na nag abalang lumingon pa.

"Saan mo naman ako dadalhin mamaya?"

Mga ilang segundo rin siguro bago ito umimik.

"Training." kumaway lang sya patalikod at tuluyan ng umalis ng greenhouse.

T-teka, training?

..ng ano???

--

[Demetry's Photo at the side]

Bloody PurityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon