Chp.4//Curiosity

187 7 0
                                    

Nagtataka ako. Tatlong araw hindi umuwi ng dorm si Stacey. Saan kaya siya pumunta? Ang balita ko absent din siya eh.

Nandito parin naman ang mga gamit niya sa dorm kaya impossibleng umalis na siya ng school.

Nandito ako ngayon sa garden. Same garden kung saan nagpakilala si Daryll.

Nakita ko syang nakahiga sa taas ng puno habang nakasaksak na naman sa tenga niya ang ear phones niya.

Sinubukan ko siyang tawagin pero mukhang hindi niya ko naririnig.

Kumuha ako ng maliit na bato para batuhon siya.

*tok*

Wahahaha sapul siya sa noo eh! Epic!

"Aray! Sino bang m--.."

Napatigil siya ng makita niya ko. Tinitigan muna niya ko saglit bago siya nagsalita.

"Anong kailangan mo?"

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Ang mga mata niya. Pakiramdam ko kinakausap ako ng mga mata niya.

"Diba pinsan mo si Stacey?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko at nanatiling nakatitig sa mga mata ko. Sigh. Silence means yes nga naman diba.

"Nasaan siya? Alam mo bang tatlong araw na siyang wala sa academy?"

Tinitigan niya lang ako saka siya bumalik sa pagkakahiga.

Takte -_- Silent treatment??

"Hoy! Tinatanong kita!"

Babatuhin ko sana siya ng isa pang bato ng bigla siyang nagsalita.

"Why do you care anyway? You're not even her friend."

Napatigil ako sa sinabi niya. Nakahiga parin siya at nakapikit ang mga mata.

Napaisip ako. Bakit ko nga ba hinahanap si Stacey?

Magdidilim na. Mag aalas-siyete na kasi ng gabi. Mabuti pa'y bumalik na lamang ako sa dorm bago pa man ako maabutan ng curfew.

Naglalakad ako sa hallway ng may narinig akong ingay.

Naisipan kong puntahan iyon.

Madilim na ang paligid. Wala ka naring makikotang mga tao. Sigurado akong malalagot ako pag may nakakita sa akin dito.

Mukhang sa storage room nanggagaling ang ingay.

Napansin ko naman ang sign board na nakapaskil sa pintuan ng storage room.

No students allowed!

No students allowed? Sabagay storage room ito. Baka isa lamang sa mga faculty ang nasa loob.

Aalis na sana ako ng may marinig akong sigaw.

Kasabay nito ang pagkawala ng ingay sa loob ng storage room.

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong kinabahan.

Naglakad na ako patungo rito.

Sumilip ako sa pinto.

T-teka? A-ano toh?!

Nagulat na lamang ako ng biglang may nagtakip ng bibig ko at hinila ako papalayo sa storage room.

Isang babaeng duguan. At isang bampirang mukhang tuwang tuwa sa pagsipsip ng dugo mula sa babae.

B-bakit?

At sino naman itong biglang humila sa akin? Kasamahan din ba siya nung lalaki sa storage room?

Dinala niya ko sa likod ng school. Sa may garden.

Binitiwan na rin niya ang mga kamay at bibig ko.

Agad agad ko namang nilingon kung sino siya.

O.O

"T-teka--.."

"Hindi ako kaaway."

"D-daryll?"

"Yung nakita mo kanina. Kalimutan mo na lang iyon."

"P-pero.. y-yung babae. Hindi ba natin siya tutulungan?"

Nagulat ako ng biglang nanlisik ang mga mata niya. "Ikaw. K-katulad ka rin nila. Papatayin mo rin ba ko?"

Bumalik naman ito agad sa dati.

"Sino ka ba?"

Palapit siya ng palapit habang paatras naman ako ng paatras.

"H-huh?"

"Bakit hindi ko mabasa ang isipan mo?"

Wala na akong maatrasan pa. Nararamdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.

Iniharang niya ang magkabilang bisig sa gilid ko kaya wala na akong kawala.

"Tinatanong kita. Sino ka? Tao ka nga ba?"

Nagulat ako sa tanong niya. I was caught off guard!

"A-ano bang klaseng tanong yan?"

I was stammering! I don't know what should i do!

"You reminded me of her." sabi niya habang hinihimas niya ang buhok ko.

"Huh?"

Hindi ko siya maintindihan.

"You're lucky. If i wasn't there to save you for sure you were death meat by now. It's true then, that curiosity kills the cat."

Lumayo na siya at tumalikod sa akin. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng tumigil siya at nagsalitang muli.

"Wala kang pagsasabihan ng mga nasaksihan mo, kung gusto mo pang mabuhay. Mas mabuti na rin kung simula ngayon ako lang ang kakausapin mo. Bumalik ka na sa dorm mo."

At umalis na siya leaving me with my mouth hanging open.

A-ano?

Ano na naman ba 'tong pinasok ko??

--

[Stacey's pic at the side]

Bloody PurityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon