Chp.5//Friends

183 9 0
                                    

[A/N: This chapter is dedicated to addisonfuente ^^~ Enjoy! XOXO --Ate Yna]

Hindi parin ako makapaniwala sa mga natuklasan ko.

Nung gabi ring yun ay umuwi na sa dorm si Stacey.

"Sabi sakin ni kuya Daryll," nagulat ako sa biglang pagsasalita nito sa tabi ko. "Alam mo na kung ano kami?"

Hindi parin niya inaalis ang tingin sa librong binabasa. Nakaupo siya ngayon sa kama niya. Ako naman ay nakahiga parin sa kama ko. Pinipilit na maabsorb lahat ng pangyayari.

"Bakit hindi ka makasagot?" Ngayon ay direkta na siyang nakatingin sa mga mata ko. Isinara na rin nya ang librong kanina pa binabasa.

"Hindi ko alam kung anong mayroon sa iyo. Hindi ko alam kung bakit hindi ka na lang pinabayaan doon ni kuya Daryll."

Hindi ko rin alam kung bakit.

Mag-iingat ka sa kanya.

Dapat ba talaga akong mag-ingat kay Stacey? Mukha naman siyang mabait. Kahit medyo nakakatakot rin ang mga mata niya.

"Napipe ka na ba?"

Narinig ko pa na nag smirk siya. Ano ba kasi dapat ang maging pakikitungo ko sa batang ito?

Siguradong pagnalaman ni tiya Ysabelle ang nangyari ay ililipat na niya ako agad ng ibang paaralan.

"Hindi ka tao." walang kareareaksyong sabi niya.

Napaupo na lamang ako sa gulat.

Paano niya nalaman?!

"Kakausapin mo na ba ko ngayon?" may nagform na maliit na ngiti sa mukha niya. Mulkhang hindi ko talaga siya maiiwasan ah.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakikita ko ang hinaharap. Nakita kong ikaw ang hudyat sa isang napakalaking digmaan. Sa pagitan ng lahat ng mga bampira, lobo at maging ng mga tao."

A-ano?

"Wag kang mag-alala. Wala akong balak ipagsabi ang mga nalaman ko. At wala rin akong balak na saktan ka."

Kung ganun..

"Anong gusto mo?"

Tuluyan na siyang ngumiti sa pagkakataong ito. "Gusto kitang maging kaibigan." At inabot nito ang palad sa akin, yung tipong makikipagkamay.

Ano bang binabalak niya? Totoo bang pagkakaibigan lang ang gusto niya? Pero bakit??

Tinanggap ko rin naman ang kamay niya. Mas mabuti na din ito kaysa ipagkalat niya ang nalalaman niya.

Nagulat na lamang ako ng bigla siyang tumayo at niyakap ako.

"Yey! May bago akong ate!" Abot tengang ngiti na sambit nito.

Kumalas narin ito sa pagkakayakap. "Natakot ba kita kanina? Hindi ka kasi umiimik eh. Wala naman talaga akong balak na mang blockmail. Gusto ko lang talagang makipagkaibigan."  Nagpout pa siya na parang bata.

Siguro nga mali si Daryll. Bakit ko naman kasi siya sinusunod? Isang bata lang si Stacey. Ano naman ang pwede niyang gawin sa akin hindi ba?

Nginitian ko na lamang siya. "Pasensiya ka na ah. Sabi kasi ni Daryll layuan daw kita."

Lalo lang siyang napapout sa sinabi ko. Ang cute pala niya.

"Nakakaasar talaga si kuya Daryll! Kaya pala hindi mo ko pinapansin. Akala ko ayaw mo sakin eh."

Napangiti na lamang ako sa inasal niya.

"Bakit ba niya ko pinagbabawalang lumapit sayo?"

Napatingin naman siya sa akin.

"Hindi mo ba alam?"

Huh?

"Ang alin?"

"Crush ka ni kuya Daryll!"

Ha?? Hindi ko alam pero pakiramdam ko nag-init bigla ang mukha ko.

"Wag ka ngang magbiro!"

"Hindi ako nagbibiro! *pout* Lagi ka nga niyang kwinikwento sa akin eh!"

"A-ano namang kwinikwento niya tungkol sa akin?"

"Na hindi daw niya mabasa ang isip mo."

Ano?

"Mind reader si kuya Daryll." duktong niya ng mapansing nagtataka ako.

"Ah." sagot ko na lamang.

"Malamang naisip na rin niyang hindi ka tao."

Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.

"Hindi ba niya mababasa ang isip mo?"

"Hahaha. Wag kang mag-alala, mag-iingat ako. Hanggat hindi ko iniisip ang tungkol doon kapag kaharap niya ko ay wala siyang malalaman."

"Ah s-sige."

Ngumiti lamang siya sa akin.

"Teka, eh kung ganun, bakit niya naman ako pinapalayo sa iyo?" naguguluhang tanong ko.

"Malalaman mo kasing crush ka niya."

"Ah." Yun na lamang ang nasagot ko.

Crush ako ni Daryll? Mukhang hindi naman totoo eh.

"Ay ate!"

"Hmm?"

"May gusto akong ipakilala sa'yo! Magbihis ka dali!"

"Uhm, ok?"

Nagbihis na nga ako. Agad naman niya kong hinila palabas ng dorm.

Pumunta kami sa sixth floor. Nasa third floor kasi ang kwarto namin.

Ano namang gagawin namin dito?

Huminto siya sa harap ng isang kulay asul na pinto.

May susi pala siyang dala. Kaninong kwarto naman ito?

Pinihit naman niya ang pintuan.

"Stacey ikaw ba yan?" Narinig kong tanong ng isang babaeng kaedaran ni Stacey na mukhang kagigising lang.

"Addison! Bilis na bumangon kana jan! May ipapakilala ako sayo." at inalog alog pa niya ang balikat nito.

Minulat naman nung babae ang mga mata niya at takang limingon sa akin.

"Sino siya?" Pagtatanong nito kay Stacey.

"Addison meet ate Yesha, bago kong roommate. Ate Yesha meet Addison Fuente, bestfriend ko."

Napatungo na lamang ako. Ang cute ni Addison. Mukha siyang manika. Maputi siya at may parang kulay gold na buhok. Asul ang kulay ng mga mata niya. Naisip ko bigla kung bampira rin kaya siya.

"Nice meeting you Addison." At nginitian ko siya, ngumiti lamang din siya sa akin.

Siniko ko si Stacey na nasa tabi ko ngayon.

"Bampira rin ba siya?"

Tumawa siya bigla. Huh??

"Hindi po ate. Tao po si Addison. Wag rin po kayong mag-alala, alam niya lahat tungkol sa mga bampira at mga lobo."

Ah. Ang cool naman. Tao at bampirang magbestfriends? Napangiti na lamang ako.

"Sige Addison mauna na kami ah. Pupuntahan lang namin si kuya Daryll." pagpapaalam ni Stacet.

T-teka, tama ba ang narinig ko? Pupuntahan namin si Daryll? Ano namang gagawin namin doon??

"Sige. Bye Stacey, bye ate Yesha." nakangiting pagpapaalam nito sa amin. Ngumiti na lamang din ako.

Hinila ako agad ni Stacey palabas ng dorm. Teka seryoso ba siya? Pupuntahan namin si Daryll??

--

[Addison's pic at the side]

Bloody PurityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon