ARIELYN POV
"Who's that guy?"
"Who? Mr,Smith? Alam ko naipakilala ko na siya sa inyo kanina. Dont tell me nakalimutan mo na kaagad?"
Alam kong sarcastic pero gusto ko din malaman ang about sa babaeng kasama niya kanina. Akala naman niya siya lang ang galit. Kanina pako nagpipigil dahil alam kong wala akong karapatan.
"I know his name. And i don't fu*king care! Ang gusto ko malaman saan mo siya nakilala at kung kamustahin ka niya ay parang palagi ka niyang pinupuntahan sa shop niyo.!?"
"Yes sa shop kami nagkakilala. Hindi ko alam na kailangan palang lahat nang makikilala ko e irreport ko sayo. Saka teka nga ano bang problema mo? Kelan ka pa nagkarong nang pakeelam sakin?"
Gusto kong isipin na nagseselos siya dahil the way na kumilos at magsalita siya pakiramdam ko nagseselos siya pero alam kong imposible. IMPOSIBLE TALAGA!
"Yes i care! Sa tagal nating magkaibigan ganyan iisipin mo sakin? Na wala akong pakeelam sayo?"
Magkaibigan? I know. MAGKAIBIGAN lang tayo!
"Hindi naman sa ganon. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit every time nalang na may makikilala akong lalake e lahat ayaw mo gusto mo ikaw lang ganun ba yon? So bawal akong magkaron nang ibang kaibigan na lalake! Ikaw pwede!?
Hindi ko siya maintindihan. Pero wala akong pakealam basta gusto ko ilabas ngayon kung anong nasa puso ko.
"What do you mean na ako pwede?"
"Yung babae kanina? Di ba hindi mo pinakilala? Sino yun?"
"Sinabi ko na sainyo. She's not my friend pinahatid lang siya ng ka work ko. Isinabay ko na dahil malapit lang naman anong masama don?"
"Isinabay mo. Pero dito sa pwesto ko nakaupo!?"
Mejo nasaktan ako. Kasi sa tuwing sasabay or may gala kami dito palagi pwesto ko sa front seat. Kaya naguluhan ako kung bakit hinayaan niya yon e alam naman niyang susunduin niya kami.
Tahimik lang siya habang ginugulo niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga palad.
"Are you jealous?"
Nagulat ako sa tanong niya. Ako nagseselos?
"Yes!"
Yes. Nagseselos ako. Mali! Nasaktan ako.
"What!"
Sinabi niya yun na parang naguguluhan."Oo nagseselos ako!"
Ang sakit sakit na nang nararamdaman ko sobrang bigat na at sumasabay pa ang pagbilis ng tibok nang puso ko. At habang sinasabi ko yun pinipigilan kong wag tumulo ang luha kong malapit nang pumatak.
"Totoo ba yang sinasabi mo?"
Sinasabi niya yon na parang hindi naniniwala sa nalaman.
Mas lalong bumilis ang pagtibok nang puso ko. Hindi ko alam kung totoo pero may nakita akong luhang pumatak sa mga mata niya. At bigla siyang nagsalita pero hindi na siya galit mahinahon na siya.
"High school palang tayo nang magsimula akong magselos. Kaya kita palaging nilalayo sa mga lalake kasi takot ako e. Takot ako na baka hindi na ako ang palagi mong gustong makausap at makasama. Takot ako na baka dumating ang araw na iba na ang gusto mong palaging kasama. College tayo nang naramdaman ko na mahal kita. At hanggang ngayon mahal kita mahal na mahal kita kaya ako nagagalit sayo kapag meron kang kinakausap na iba. Galit ako sa sarili ko dahil alam kong nagseselos ako pero wala akong magawa kasi wala akong karapatan."
Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon nagulat ako dahil first time ko siyang nakitang umiiyak sa harap ko pa at ako pa ang dahilan. Patuloy ang pagiyak niya habang nakatingin kami sa mata nang isa't isa. Hindi ko din mapigilang hindi masaktan dahil parehas kami nang nararamdaman lahat pumapasok sa isipan ko lahat nang mga memories namin high school man or college. Kung pano niya awayin sa tuwing may lalapit sakin. Sobra akong naiiyak na hindi ko alam pero sobrang saya nang nararamdaman ko habang sinasabi niya ang mga salitang yon. Masaya akong malaman na mahal niya ako katulad nang nararamdaman ko.
"Pinigilan ko naman e. Pinigilan ko kahit na gustong gusto ko nang sabihin sayo matagal na. Pero takot ako e. Takot ako na baka hindi tayo parehas nang nararamdaman. Takot akong malaman na hindi ako ang laman nang puso mo. Takot ako na baka iwasan mo lang ako kapag nalaman mo. At yun ang ayokong mangyari ang iwasan moko dahil mahal kita mahal na mahal kita at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka."
Sobrang nasasaktan siya at nararamdaman ko yun. Hinawakan niya ang kamay ko habang sinasabi niya yon.
Wag ka magalala. Hinding hindi mangyayari yung kinakatakutan mo.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Ngayon ako naman sasabihin ko na ang lahat lahat. Sasabihin ko kung gaano kita kamahal."Hindi kita iiwasan. Dahil kung mahal moko. Mas higit ang pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal na mahal kita. Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan sa tuwing may kausap kang iba. Pinigilan ko din ang sarili ko na sabihin sayo dahil ayun din ang kinakatakot ko na baka iwasan moko o baka may mahal ka nang iba. Mahal na mahal kita simula palang nang una tayong magkakilala. MAHAL NA MAHAL KITA! At masayang masaya ako na nalaman kong mahal na mahal mo din ako. Salamat sa pagsabi mo sakin"
Hindi ko na napigil ang pag hagulgol ko. Nang maramdaman ko ang pagyakap niya sakin. At sabay sabi niya nang....
"Kahit kelan hinding hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita. Can you please stay with me? Not for today or tomorrow but forever" "I LOVE YOU SO MUCH MISS A"
Sabay nang pagsabi niya ay sabay din nang paglapat nang kaniyang mga labi sakin. This is my first kiss and I'm happy. I'm very happy. Mahal na mahal ko tong lalakeng to. At hinding hindi ko hahayaan na mawala ka sa buhay ko.
"I LOVE YOU MORE RICHARD SANDER! MAHAL NA MAHAL KITA" :')
Salamat po sa mga readers. I hope po na nagugustuhan niyo yung story. Favor naman po. Please pa comment naman po kung okay lang po ba ang story ko para po alam ko kung itutuloy ko pa po or hindi na hehe salamat po! 😘
BINABASA MO ANG
Dear heart, Why him?
RandomDid i really love him, or was i addicted to the pain, that Exquisite Pain of wanting Someone unreachable.