ARIEL POV
"Celine namiss kita. Bakit kasi ngayon ka lang nagpakita sakin. Mag 1 month mo din akong natiis. :'("
I miss Celine so much. Andito siya ngayon sa flower shop at tinutulungan niya ako mag design sa mga flower dahil nalalapit na ang undas at inaayos ko ngayon ang dadalin ko kay mama at papa. Sobra ko na silang namimiss. :'(
"Alam mo lyn mas namiss kita grabe habang nililibot ko ang buong pilipinas naiisip kita na sana kasama kita para masaya. Pero mas may dapat kang ikwento di ba? So tell me. Sino si Miss A?"
"Alam mo cel ang totoo wala akong idea kung sino"
Yung gabing sinabi niya yon. After kong marinig yon ni hindi ako nakatulog buong gabi ko siya tinitigan.
Napaka peaceful nang tulog niya habang ako kung ano anong pumapasok sa isip ko at ang tangi ko lang gustong isipin na sana ako yun na sana ako nalang si Miss A.
After non bago siya magising umuwi nako ng mga madaling araw dahil nga hindi ako makatulog. At ngayon nga eto kasama ko na si celine. Sobrang namiss ko siya pero sana di na niya binanggit pa yun hays!!
"Oh? Bakit ganyan yang muka mo? Alam mo lyn alam kong ikaw yung sinasabi ni sander e. Alam ko yun nararamdaman ko ikaw talaga. The way he look at you alam ko na. Pakiramdam ko nga high school palang tayo may gusto na yun sayo e hahaha"
"Diko alam kung maniniwala ako sayo e no? Basta mas maganda sigurong iwasan ko nalang muna siya ngayon."
"Iwasan? Arielyn anong pinagsasabi mo? Paano mo iiwasan yung tao na yon e alam lahat non ang mga favorite place's mo. Maloka ako sayo alam mo ang gawin mo sabihin mo na sakanya jusko naman high school pa tayo yang feelings mo sakanya kelan ba yan uusad? Tsk!"
"Diko kaya cel e. Baka mamaya masira lang friendship natin. Alam mo naman sanay nako sa inyo di ba? Kayo na ang pamilya ko dito kaya paano ko gagawin yun e kung sa bandang huli masisira lang. Hindi ba mas masakit yun cel?"
"Lyn. Alam mo sabi nga nila. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? At sabi ko naman. Paano mo nasasabi yan napaga nega mo haynako lyn! Try to tell him if hindi man talaga kayo parehas ng nararamdaman at least ginawa mo may ginawa ka" :)
"Susubukan ko cel. Salamat ha?"
Sana kayanin ko. Alam kong masasaktan ako o magiging masaya kung ano man ang mangyayari pero baka nga tama si celine. At least may ginawa ako. :)
"Do it. We have a date tonight di ba? May usapan tayo at maya maya lang darating na yon. Try to tell him tonight okay?"
"Okay"
Sana magawa ko. Wala nang urungan to kaya ko to! Niyakap ako ni celine i miss her hug. At nang biglang may bumusina. I know siya yon.
"He's here. Later okay?
Pagkalabas namin nagulat kami nang may kasama siya. Isang babae mahaba ang buhok maganda at maputi. Kung ipapanlaban mo sakin e walang wala ako. Masakit ang sakit na yung taong mahal mo e may kasamang iba.
"Hey dude long time no see. Hindi mo ba inaway si lyn habang wala ako? Nako sinabi ko sayo ha? Alagaan hindi awayin"
Habang nagsasalita si celine nakatitig kami sa isa't isa at ako naman umiwas na nang tingin sa kanya.
"Don't worry inalagaan ko. How are you?"
"I'm okay. So hindi mo ba ipapakilala yung kasama mo? Ni remind kita kanina na meron tayong dinner di ba? Pero nakalimutan mo atang tayong tatlo lang?"
Habang nagsasalita si celine tumitingin siya sakin. Alam ko naman na ganyan talaga ugali niya pero parang ngayon siya na yung nagsasalita para sakin.
"You don't need to know her. Ipinasabay lang siya ng friend ko at kelan ko lang din siya nakilala. Let's go na?"
Bakit ganun pakiramdam ko nagpapaliwanag siya sakin dahil habang sinasabi niya yon sa mata ko lang siya nakatitig. Kahit anong mangyari sadabihin ko na sa kaniya ang lahat.
Nagpunta na kami sa restaurant kung saan kami mag ddinner at yung kasama niyang girl na ni hindi man lang nagsalita oh nagpasalamat pag kahatid sa mall e wala na. After namin kumain sa mga oras na yun e titig iwas ako sa mga mata niya at nararamdaman kong ganun din siya.
"Sander kamusta yung project mo ngayon sa batangas? Di ba malapit na mag ompisa yun so sa batanggas ka muna mag stay non for 1 or 2 months?
What? Hindi niya pa nasasabi sakin yung project na yon. So magppunta pala siya ng batangas nang hindi ko man lang malalaman kung hindi pa sinabi ni celine.
"Not sure pa sa pag stay ko dun e. Pero tuloy na ang project na yun"
"Alam ko yung kasama mo kanina engineer yun di ba? At siya din yung nakuha na engineer doon sa batanggas so meaning siya yung makakasama mo don?"
"Oo siya nga. How did you know celine?"
Tumitingin siya sakin habang sinasabi yon. Siguro tinitignan niya kung aasarin ko ba siya. Hindi ko alam pero parang nawalan nako ng pagasa na sabihin sa kaniya lahat. Pakiramdam ko wala akong pagasa.
"Of course i know. Hello engineer boyfriend ko at nakasama niya din yung babae kanina. Duon ko lang naalala nung umalis na siya."
Habang naguusap sila magpapaalam sana akong magpunta ng comfort room.
"Celine comfort room lang ako."
Pag tayo ko biglang may tunawag sa pangalan ko.
"Arielyn!?"
Pag lingon ko parang nakikilala ko siya.
"How are you? Sorry ang tagal ko din hindi nakapunta sa shop mo. You look so pretty."
Naalala ko na siya yung new client ko sa flower shot na weird. Kaya sumagot nako.
"It's okay. I'm here with my friend"
Lumapit ako kay celine at pagtingin ko kay sander iba yung titig sakin. Anong problema nun akala mo galit na galit yung muka niya parang yung tinatanong niya kung sino kausap ko. Bahala na nga siya jan. Bago ang lahat ipinakilala ko muna sila sa isa't isa.
"Mr,Smith si celine at si sander friend ko. Celine and sander, si Mr,Smith"
"Hi. Mr,Smith " (Shake hands)
Nang kay sander na nakikipag shake hand si Mr,Smith kay sander pero may sumpong ata at hindi tinanggap. Pft!
"I'm sorry. Mr, Smith but we have to go. Let's go celine, ariel"
Nagkatinginan kaming dalawa ni celine. At sumunod nadin nagpaalam na kami kay Mr,Smith.
"Anong problema non? May sumpong nanaman ata."
"Ang sabihin mo nagseselos yun. Ewan ko ba sa inyong dalawa. Sabihin mo na kasi ha aalis at nako e nagpasundo ako. Basta goodluck sayo. Nararamdaman ko gusto niyo isa't isa. Kaya tell him na lyn okay?"
Diko maintindihan mga lalake. Haynako! Mapapabuntong hininga ka nalang. Sumunod nako sakanila at nagpaalam nga si celine ni hindi man lang pinigilan nitong si sander at andito na kami sa car niya pero hindi ko alam bakit hindi padin niya pinapaandar.
Hindi maganda pakiramdam ko alam kong may mangyayari ngayon dahil kinakabahan ako pakiramdam ko ano mang oras sisigawan na niya ako.
"Who's that guy?"
Mahinahon siya pero halatang nagpipigil siya. Pero siguro mas maganda ngang sabihin ko na sa kaniya lahat lahat para kung masaktan man ako isahan na lang. Pero sana kung ano man ang maririnig ko na sagot niya e kaya kong tanggapin. Sana kayanin ko. :'(
SANA MAKAYANAN KO.............
BINABASA MO ANG
Dear heart, Why him?
AcakDid i really love him, or was i addicted to the pain, that Exquisite Pain of wanting Someone unreachable.