Kaligayahang 'di ko Mahagilap

26 3 0
                                    

Pag-ibig na aking hinahanap hanap,
Saang lupalop ko kaya makakalap?
Kay rami na ng pinagdaanang hirap,
Bakit tila kulang pa ang aking sikap?

Mga mata ko'y sa luha kumikislap,
Galak sa mata ko'y di ko mahagilap,
Ako'y tumingin sa mga alitaptap,
Na lumiliwanag at kumukutitap.

Kailan ko kaya madadama ang saya?
Kakaibang kagalakan at ligaya,
Sa aking nagsusumamong mga mata,
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa.

Sana ay makamit ko ang minimithi,
Upang maging masaya sa bandang huli,
Sapagkat ako ay hindi nagsisisi,
Lumuha para sa hangarin kong munti.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon