Napakasaya ko ng makilala kita,
Napapangiti ako sa'yong simpleng tawa,
Sa araw-araw ay naging inspirasyon ka,
Sa isipan ko'y 'di ka mawala-wala.Sa bawat oras na tayo'y magkasama,
Kakaibang galak aking nadarama,
Puso ko'y pilit na nagwawala,
'Di ko mapigilang hindi matuwa.Ano na ngayon ang nangyari?
Bakit bigla na lang nawala ang ngiti?
Damdamin ko'y 'di ko mawari,
Wala ng ligayang naghahari.Napakasakit na talaga,
Hindi ko na kinakaya,
Mahirap at gusto ko ng kumawala,
Kaya ngayon, pinapalaya na kita.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto po ay isang listahan ng mga tula. Mga tulang bumabagabag sa akin at nais kumawala mula sa aking isipan. Kaya idinaan ko sa isang sulatan.