Masakit na Kabiguan

44 1 0
                                    

Paulit-ulit na isinisigaw ng aking isipan,
Ang masakit na kabiguan,
Hinding hindi ko malilimutan,
Mananatiling nakatatak magpakailanman.

Luha'y lumandas sa aking pisngi,
Hindi mapigilan ang paghikbi,
Mga iba'y hindi nakakaintindi,
Sa puso ko'y napakahapdi.

Kailangan ko itong tanggapin,
Kahit na masakit na masakit pa rin,
Sa ibang bagay ko na lang dadaanin,
Sa mga gawaing kaya akong pasayahin.

Namumugto na ang aking mga mata,
Hindi pa rin makapaniwala,
Lahat ay akin nang ginawa,
Sa huli'y bigo pa rin pala.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon