Mapait na Kahapon

59 1 0
                                    

Hindi ko pa rin maintindihan,
Kung bakit mo ako iniwan,
Nawala ka na lang ng biglaan,
Ng hindi nagpapaalam.

Kung panaginip lang ito,
Pakiisap ako'y gisingin niyo,
Ani ba talagang dahilan mo?
Upang ako'y iwanan mong nag-iisa dito.

Sabi mo hindi ka mawawala,
Sa tabi ko'y mananatili ka,
Pero bakit ika'y naglahong parang bula,
Tuluyan ng hindi nagpakita.

Naaalala na naman kita ngayon,
Kasunod ng luhang parang tubig sa balon,
Nais kong sa limot ay ibaon,
Ayoko ng alalahanin pa ang mapait na kahapon.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon