Bakit nga ba tayo nagkahiwalay?
Wala ba talagang panghabambuhay?
Ako'y tinakasan na ng kulay,
Nang binitawan mo ang aking kamay.Bawat araw ay naaalala kita,
Bawat gabi nama'y iniiyakan ka,
Sa pag-andar ng oras, ika'y nakikita,
Wala na ba talaga tayong pag-asa?Pag-asa na maging tayo pa,
Kahit alam kong ang lahat ay huli na,
Masaya ka na sa piling ng iba,
Dati'y 'pag ako lang ang iyong kasama.Marami na talagang nagbago,
Naapektuhan pati pag-ikot ng mundo ko,
Tinangay din ang damdamin mo,
Sana'y muli pang maibalik ang dating tayo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto po ay isang listahan ng mga tula. Mga tulang bumabagabag sa akin at nais kumawala mula sa aking isipan. Kaya idinaan ko sa isang sulatan.