Ang Agos ng Buhay

105 1 0
                                    

Ang pag-agos ay tuloy-tuloy,
Hindi mo alam kung saan dadaloy,
Sa mga dahon at punong-kahoy,
Pati sa hanging maganda ang simoy.

Saan nga ba ito tutungo?
'Di mo batid kung kailan hihinto,
Ganoon nga ba talaga ito?
Sobrang hirap mapagtanto.

Napadpad na sa iba't ibang dako,
Sa iilang tanawin ay napako,
Minsa'y naisipang sumuko,
Ngunit bumangon para mangako.

Ipagpapatuloy ang labanan,
Mga hamon ay lalagpasan,
Kahit ano ang maging kahihinatnan,
Basta buhay ay naging makabuluhan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon