Narito ako sa isang sulok,
Halos hindi na makapiyok,
Sa makapal na usok,
Walang magawa kundi magmukmok.Nanginginig sa takot,
Kaba sa dibdib ko'y bumabalot,
Pilit na bumabaluktot,
Nakayuko't sumisinghot.Umagos ang luha sa mga mata,
Liwanag ay 'di ko na makita,
Sarili ko'y 'di ko na makilala,
Hindi madama ang saya.Sa taas ako'y tumingala,
Nagniningning ang mga tala,
Sa puso ko'y sumibol ang ligaya
Ang pag-asa'y nariyan pa pala.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto po ay isang listahan ng mga tula. Mga tulang bumabagabag sa akin at nais kumawala mula sa aking isipan. Kaya idinaan ko sa isang sulatan.