Sheltered little princess, yun ako, ganoon ako lumaki, sobrang sheltered. Nag-iisang anak na babae kaya siguro ganoon. Kaya hindi gaoon kadali para sa akin ang magkaroon ng mga kaibigan. Hah! Nung college ko nga lang nakilala ang magiging forever best friend ko eh!
Hindi naman ako introvert, nahihirapan lang talaga akong mag-adjust sa mga tao sa paligid ko. May mga pagkakataon pa noon na dahil gusto kong magkaroon ng kaibigan at makasama sa mga grupo grupo sa klase eh nagpaka-trying hard akong maki-in sa kung sinong pwede kong kaibiganin. Pero sa huli, ako pa rin ang lugi.
Kahit anong gawin ko para maki-in sa mga kaklase ko, lagging nagiging pangit ang ending sa akin. Na-bully ako, naging outcast, laging last option sa mga pairing na hindi teachers ang nagse-set. Kung baga sa anime at sa mga pelikula, ako ay isang background character, isang extra na hindi naman pinagtutuunan ng pansin dahil nakasama lang naman ako sa produksyon ng palabras para magkaroon ng pandagdag sa mga taong nakapaligid sa mga pangunahing tauhan.
Swerte na nga ako't kahit papaano ay alam pa ng mga kaklase ko noon ang pangalan ko. Yun nga lang, mas madalas nila akong tinatawag sa mga katagang hindi ko naman alam kung saan nanggaling.
Elementary, high school, college, nakapagtapos ako ng pag-aaral na wala masyadong kaibigan at madalas mag-isa. Buti na lang at pareho kami ng paaralan ng mga kapatid ko noong high school at elementary dahil kung hindi ay siguradong magmumukha akong tanga tuwing uwian dahil wala man lamang akong kaibigang kasama sa paghihintay ng aking sundo, wala akong kausap, wala akong kalaro.
Habang tumatanda ay sinisi ko ang aking mga magulang kung bakit ako nagkaganito, kung bakit halos wala akong kaibigan. Actually, until now, I still blame them kahit na alam kong walang magagawa ang paninisi ko sa kanila.
Pinakamasaklap eh nung high school ako dahil dun na pumaasok yung puberty kaya maraming insecurities na nabubuo at mas madaling maapektuhan ang self-esteem ng isang tao. My high school days was more like a living hell for me.
Now, maybe you're wondering, paano ng aba nag-survive ang isang 'antisocial' na tulad ko, kung tama man ang ginamit kong term para sa kaso ko, noong high school ako sa kabila ng mga bullies at mean homo sapiens na nakapaligid sa akin. Well, of course, growing up and having to deal with it almost every single day of my life mula pa noong elementary ako, I've grown so used to it na it doesn't really affect me that much. Idagdag mo pa yung fact na may pagka-passive aggressive ako.
However, hindi lang yun ang dahilan kung bakit ako nakaraos sa high school days ko. Tulad ng mga normal na mga kabataang nagadadalaga, nagkagusto ako sa isa sa mga best friends ng isa sa dalawang mga kuya kong nag-aaral din sa school ko. When I met him, suddenly, things felt better for me, kahit binubully nila ako, kahit pinagkakaisahan nila ako, wala akong pakialam. Kasi alam kong kahit anong sabihin ng mga tao, hindi sya maniniwala sa kanila because he knows me, the 'me' that nobody knows, the real 'me'.
And today, as I walk down the aisle, there are a lot of things that I want to tell him, things I regret, things I felt sorry for, things I would like to thank him for.
I can feel the tears welling up on my eyes as I looked at him. He smiled upon meeting my gaze. That familiar smile, a smile that released the butterflies in my belly at the age of fifteen for the first time, the smile that broke my heart several times when I turned sixteen, the smile of my first crush who I thought I loved due to inexperience.
But unlike most love stories, ours did not go the way we wanted it to be...and this, this is my side of the story.
________________________________________________________________________________
Author's Note:
I really want to reserve this but I really can't wait to release this book. Too much ideas have been flooding my mind for this story so, yeah, I ended up posting it before I finish The Stone of Sangre Ceniza.
Please feel free to leave a comment may it be a compliment or a diss, i wouldn't mind.
Thank you guys! xxx

YOU ARE READING
Love and Lies: Her Side of the Story
Подростковая литератураThere are two kinds of soulmates in the world. One, the kind of soulmates who are meant to be together from the very beginning. Two, the kind of soulmates who are meant to meet each other but is not meant to be together. In our case, we fall on the...