(June 2007-2011)
Third year na sina kuya Harry at Brenan nung pumasok ako sa Paxton International Science High School na siyang pinapasukan din nina kuya. And as I expected, I really did not fit in at all, at ang tanging kinakausap ko lang maliban sa mga kaklase kong nagging mga kaklase ko rin nung elementary ay si Ivan, anak ng kakilala nina Mom at sa kaparehong subdivision din naming nakatira.
What we're talking about? Kung anong oras kami uuwi, kung saan kami dadaan at kung anong sasakyan namin. Aside from that, wala na, andun na sya sa mga new found friends ata nya, of course, sa mga boys. Me on the other hand, ito, nakaupo sa isang tabi at shut up na lang dahil wala nga naman akong kaibigan.
For months, ganun lang ng ganun, tulad nung nasa elementary pa ako, lumalapit lang sakin yung mga kaklase ko kapag kailangan nila ng tulong sa English, Elective English, Science, Elective Science, and Music, Arts, Physical Education, Health or MAPEH. Yun kasi yung mga subjects kung saan ako nag-e-excel.
At kung sinusuwerte ka nga naman, nagkaroon pa ng nakakairitang issue, na wala namang katotohanan, na mas nagpasaklap lalo ng buhay ko during my high school days.
The seating arrangement was set by our class adviser at that time and she based it on the alphabetical arrangement of our names. I ended up sitting between a girl and a guy who seemed to be classmates from elementary since they usually talk a lot without minding the fact that I'm in between them.
The guy's name was Shawn. He's quite good in class, especially in Mathematics. Since mahina ako doon, nagpapatulong ako sa kaniya minsan while him on the other hand asks for my help in some aspects of MAPEH. Minsan, may mga times na naghaharutan kami kasi medyo makulit din sya.
However, pagdating ko sa school isang araw, everything was already different, may lumabas nang issue na there's something going on between me and him. And from there, hell began.
Sa halip na doon siya magalit sa mga walang hiyang nilalang na nang-aasar sa kanya, sa akin siya nagalit. Yes! Ako ang pinagbuntungan niya ng galit kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya o para palalain yung issue, as in, WALA!
Dahil sa mga nangyayari, mas lalo akong napalayo sa mga kaklase ko, like really, halos hindi na ako nagsasalita sa klase, halos wala akong kasabay sa lunch maliban na lang kay Dyan na classmate ko nung elementary at kahit papaano ay nakakasundo ko naman.
Pagdating ng mga bandang October, medyo naka-adjust na ako pero ganun pa din, masaklap pa rin ang buhay ko sa classroom. Buti na lang at sa parehong school nag-aaral sina kuya dahil siguradong ako nab aka di man lang ako tumagal ng hindi umuuwing luhaan sa sobrang pagiging feeling outcast ko.
Lunes noon nang maunang umalis si Kuya Harry sa bahay kesa sa amin ni kuya Brenana dahil madalas naman ay sabay-sabay kami dahil sa iisang school nga lang kami nag-aaral. Sabi niya, may practice pa raw sila ng presentation nila sa isang subject.
Sina kuya Harry at Brenan kasi ay pareho ng year level, magkaiba nga lang ng section. Si kuya Brenan ay sa section A samantalang si kuya Harry naman ay sa section B. Dalawa lang ang section sa school naming, A at B, at maswerte namang nasa A ako dahil malamang, yari ako kina Mom pag naalis ako sa highest section, medyo mataas kasi expectations nila sa akin.
So ito na nga. Nung araw na nauna sa amin si kuya Harry, nag-text siya na may naiwan daw siya sa bahay at nakisuyong ihatid ko sa kaniya sa isa sa mga kubong tambayan ng mga estudyante sa school na hindi naman kalayuan sa building gng freshmen.
Mas okay sana kung si kuya Brenan na ang maghahatid since pareho sila ng building kaso sabi naman niya, busy raw siya sa mga gawain sa Supreme Student Council (SSC) sa school. So no choice ako.
Pagdating ko sa kubo, may kasama si kuya, Maputi, mahaba at makapal ang pilikmata, hindi matangos ang ilong pero proportion naman ito sa mukha niya, pinkish yung lips niya, may kapayatan pero bagay naman sa kanya, at makakapal ang kilay niya na napaka-perfect ng shape. And for the first time, dun ko nalaman kung ano ang pakiramdam ng magkagusto sa isang tao.
________________________________________________________________________________
Hey guys, I hope you'd support this new story, hindi na kasi ako makapagpigil, gusto ko na talagang i-publish...nakaka-stress mang pagsabayin ang dalawang stories, wala akong choice, binabaha na ng ideas yung utak ko eh.
Thank you in advance sa mga magbabasa, I hope you guys enjoy! xxx
YOU ARE READING
Love and Lies: Her Side of the Story
Teen FictionThere are two kinds of soulmates in the world. One, the kind of soulmates who are meant to be together from the very beginning. Two, the kind of soulmates who are meant to meet each other but is not meant to be together. In our case, we fall on the...