Crazy Love Story <3 "Chapter 9"
Jean's POV
Morning! 6:30 am palang nakagayak na ako at ngayon nandito na ako sa dinning table namin para mag breakfast kasama ko na rin mag breakfast si Mami and Kuya, American Breakfast ang breakfast namin ngayon, pag ganito ang breakfast namin sipag na sipag ako kumain pero bakit ngayon hindi?! nakatulala lang ako sa pagkain, hindi rin ako nagugutom hindi rin pala ako nakakain kagabi, mabuti naman at hindi bumabaho hininga ko kasi hindi ako kumakain, diba yung iba bumabaho yung hininga kasi hindi kumakain.
"Uy, anak ano ba nangyayari sayo? nakatulala ka jan at naka halumbaba ka pa jan?! Masama yan anak!" sabi ni Mami
Tinanggal ko yung pag kahalumbaba ko.
"Ma, parang wala kasi akong ganang kumain e."
"Aba'y 'lil sis hindi ata pwede yun, baka mamaya ikaw din nasa hospital na baka magkaroon ka ng uppendix niyan, kaya kumain ka kahit konti" sabi ni kuya
"Ma, iinom na lang ako ng gatas at dun na lang ako kakain sa school, wala talaga akong ganang kumain eh"
"Osige, pero kumain ka dun ha! ayokong pumayat ka!"
At ayun uminom na nga ako ng gatas.
Hinintay ko lang matapos si kuya at umalis na din kami.
Kristine's POV
5:00 am pa nga lang gising na ako, alam niyo naman kung ano ginagawa ko diba? nag e-exercise?! pero bago ako mag exercise iinom muna ako ng milk, and nandito ako sa kusina ngayon.
"Ya, nasan sila dad 't mom, tulog parin ba sila?"
"Ay, umalis na po sila kagabiey, emergency daw po kase teh"
"San sila pumunta?"
"Calinoria teh"
"Yahh, it's Ca-li-for-nia"
"Sorry teh, bisaya aman dong, di gano alam."
Ding dong..... ding dong..... ding donggg.....
"Ang aga aga naman niyan, ya patignan nga kung sino"
"Sige po."
Nagbabasa ako ng newspaper habang umiinom ng gatas.
Maya maya naramdaman ko na pumasok na si yaya.
"Ya, sino yun?"
Maya maya may tumakip sa mata ko.
"Sino ka? yaya wag mo akong lolokohin baka isumbong kita kela momi, at for sure mapapa alis ka dine"
"Grabeee ka naman, *sabay tanggal ng kamay sa mata* papa alisin agad ganun ganun lang? *umupo* at nakakaselos ha!"
"Huh? Anong nakakaselos dun?"
Aba'y grabeee ha ang aga-aga nandito si EARL?!?! o.O
"Mas una mong hinahanap si Yaya bago ako ha na fiancee mo!" sabi ni Earl
"Pakielam mo!"
Tumayo ako then pumunta sa Exercise Room ko, sumunod naman si Earl
"May pakielam ako kasi fiancee mo ako!" sabi ni Earl
"Tapos?!"
"Hmp, hayaan mo na! Change topic"
At ayun pumasok na kami!
"Ano to?"
"Exercise Room!"
"Ano ginagawa natin dito?"