Crazy Love Stroy <3 "Chapter 10"
Now Playing: Safe and Sound by Taylor Swift
Jean's POV
Morning! 7:30 am pa lang nakatutok na ako sa computer habang kumakain ng breakfast, na te-tense kasi ako eh, halos kagabi nga hindi ako makatulog mga 2:00 am na ata ako nakatulog kagabi tapos ang aga-aga ko pang nagising, tapos tinatanong ko si kuya kung nakakatakot bang humarap sa parents, ang sagot malay ko ba hindi ko pa naman na e-experience yan eh, pero pag kay Kristine ko naman tinanong yan ang sasabihin niya mga nakakabaliw katulad ng enjoy lang pano ako mag e-enjoy? Halerrr kakausapin nga ako dahil sa nangyari kay ata Mitch.
Pero teka?!
Bakit ba ako ganito? Hindi ko naman siya Boyfriend ha? Oonga noh?! Bakit ngayon ko lang naalala? Haixt! ano ba yan, buti naman at naalala ko yun nabawasan tuloy yung kaba pero okay na yun, pero concern lang ako sa tao noh. Pero bakit gusto akong mameet ng parents ni Mitch? Teka 3rd Day ni Mitch to diba? Halaaaaa! Tatanggalin na kaya yung oxygen na bumubuhay sakanya ngayon? :'(
Calling.. Steve
"Hello" sagot ni Steve
"Steve, ano pala balak? ngayon ba tatanggalin ang oxygen ni Mitch?"
"Hindi ko rin alam kela tito at tita e, otw na daw sila sa hospital!" sagot ni Steve
"Wag naman sana! maghintay pa sana!"
"Pero ang alam ko mukhang nakapag decide na sila" sabi ni Steve
"Alam mo kung ano ang napag decidan nila?"
"Hindi e, pero ang alam ko mukhang papatanggal na! :'(" sagot ni Steve
"Anoooooooooo! Wala bang magagawa?" sagot ko
"Sana nga hindi tama yung nakuha kong information eh" sabi ni Steve
"Sana nga!"
"Sige maya na lang, nag aayos kasi ako e, papunta na ako ng hospital para masalubong sila tito at tita mamaya 10 am ha! kitakits Bye" sabi ni Steve
--End of Conversation--
Hayyyyyyyyyyyzzz hanggang ngayon hindi pa ako nakakahinga mabuti. Stressed ako kagabi pa, kaya ang breakfast ko ay desserts kasi ang kabaliktaran ng stresseD ay Desserts getcha? minsan lang naman ako mag breakfast ng dessert eh kaya pagbigyan na! :/
Sana naman magising na si Mitch, pag nakikita ko kasi yung mokong na yun nakokonsensya ako eh. >o<
Nag re-research pala ako hehehe, may assignment kami e ipapa-pass ko na lang sa classmate ko yung assignment ko idadaan niya mamayang 8:00 am at alam naman na ni mam kung bakit ako absent eh.
After a few minutes tapos ko na. naprint ko na rin. hinihintay ko na lang yung classmate ko.
-.-
Dahil ang tagal-tagal niya maliligo na muna ako.
.
.
.
.
.
After a few minutes tapos na akong maligo at nakapang-alis na rin ako, then may nag doorbell na and si classmate Natasha yun, pinakuha kasi ni mam sa kanya yung assignment ko e. Hehehe, then bumaba na ako para puntahan siya.
"Uyy! Heto na yung assignment ko, paki sabi kay mam na thank you and thank you na rin sayo!"
"Ano ka ba! Okay lang noh, masaya nga ako e kasi pwede akong maging late, mwehehehe, chaka dadaan talaga ako lagi sa bahay mo pag papasok ng school sa kabilang kanto lang yung bahay naman noh!" sabi ni Natasha
"Ganon ba?! Osige. Ingat."
"Sige, babooooooosh!" sabi ni Natasha
at ayun umalis na siya.
Calling.. Kristine
“Hello!”
“Uyy, hindi kita naming masasamahan ngayon. L” –Kristine
“HUH?! Bakit?!”
“Meron kasi kami ngayong SNAP MEETING!”-Kristine
“HUH?! Pano nangyari yun!”
“Ganito kasi yun, tumawag yung papa ni Earl sabi meron daw kaming pupuntahan na meeting para daw sa company nila at sa company namin!” –Kristine
“Ganon, Sige ok lang kaya ko to!”
“Sorry ha! Aja! Aja! Fighting!” – Kristine
“Hahaha, Aja! Aja! Fighting!”
“Sige bye na nasa meeting kami eh nag excuse lang ako saglit, sige baboooosh kwentuhan mo na lang ako mamaya!” –Kristine
“Bye!”
--End of Conversation.
Haixt! Ako lang mag-isa pupunta sa Hospital! Pero kaya ko to Aja! Aja! Fighting! Makagayak na nga! 10:00 am nga pala usapan namin!
Kristine’s POV
Lahat ng sinabi ko kay Jean ay kasinungalingan, at sinabi ko naman kay Earl na masama yung pakiramdam ko kaya hindi na namin sasamahan si Jean. Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko ginawa yun! Basta malalaman niyo rin!
Padaan lang!
Jean’s POV
Otw na ako sa hospital!
Hospital:
~knock-knock~
“Uyy, ikaw pala pasok ka!” – Steve
At ayun pumasok naman ako.
“Tita, Tito eto po si Jean!” –Steve
“Good Morning po!”
“Good Morning iha! Upo ka!” –Papa ni Mitch
“ Ako nga pala ang papa ni Mitch pero tawagin mo na lang akong Tito Alfred! Ma, diba gusto mo siyang makausap? Eto na siya oh” –Tito Alfred
“Good Morning po, ako naman po si Jean, Jean Rivera po.”
Nakita ko yung mama ni mitch umiiyak!
Maya-Maya
“Sorry iha pero hindi pa kita kayang kausapin *huk* by the way gusto ko lang naman sabihin na *huk* we’ve decided na tatanggalin na ang oxygen ni Mitch mamaya, *huk* ayaw ko sanang gawin to *huk* nung una hindi ko talaga ako pumayag pero *huk* na realize ko na mas nahihirapan akong makita siya ng ganyan, pero *huk*----“ sabi ng mama ni mitch
At hindi na natuloy ang gustong sabihin ng mama ni mitch kasi bigla itong inatake ng hika!
Ilang beses umuulit sa ulo ko na mamaya na tatanggalin ang oxygen na bumubuhay na lang daw kay Mitch, pero hindi ba sila marunong o kayang pang maghintay? Diba hindi ba naman matagal ang 6 months, 1 year or more?!
“Uy, jean okay ka lang ba?” –Steve
“Steve, ewan ko! Hindi ko alam!” ~pinipigilang kong umiyak
“Sige, dumukdok ka muna jan, itulog mo muna para mamaya may lakas ka” – Steve
Dumukdok na lang ako at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
ZzzZzzzzZZzzZZzZ
Maya-maya nung namalayan kong nakatulog ako, parang may maingay at umiiyak!
Ano kaya yung nangyayari?!
Abangan~
Sorry ngayon lang nakapag-update nagloloko kasi yung wattpad dito sa laptop ko eh, buti na lang at okay na, chaka busy din pala sa school. =))
Crazy Love Story <3 "Chapter 10"