~Cindy.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko medyo malabo pa sa una pero nung nagtagal na nasanay na ko sa dilim. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang lumang kwarto na puno ng mga lumang gamit dahil sira sira na ang mga toh at maalikabok dito mukhang bodega ata toh. Sinong nagdala sakin dito?!
"Oh well gising na pala ang traydor kong kaibigan" ani ng isang anino mula sa likod ko
Shit! The killer!
Nanlamig ang buo kong katawan ng maramdaman kong papalapit na sya sakin. Iba pala talaga kapag nasa tabi mo na sya. Parang anytime alam mo ng mamamatay ka. Grabe pala talaga sya. Hindi naman sa takot ako pero kasi nakakadena ako! Wala kong laban sakanya in case na sunggaban nya ko!
"Hey buddy! Wala ka naman busal sa bibig, eh bakit hindi ka makapag salita? Hmm..?" Pang asar nyang tanong sakin
Hindi parin ako makapag salita hindi dahil sa takot ako pero dahil sa isang bagay na nakita ko sa likod nya....
~Ian
Nawawala si Cindy! Hindi sya basta lang absent. Tangina baka nakuha na sya ng killer. Hindi pwede! Kailangan pa naming mag imbestiga!
Bumukas ang pinto at nakita ko si Princess na iniluwal ng pinto. Dali dali ko syang pinuntahan para kulitin.
"Cess." Ako Blangko nya kong tinignan.
Ano na naman bang problema sakin nito? Lately, pansin ko napaka sungit nya sakin! Wala naman akong matandaan na may atraso ko sakanya tsk.
Be patient Ian. May kailangan ka sakanya kaya dapat mabait ka. Sabi ko sa sarili ko. Oo may kailangan nga ako sakanya. Sya lang ang daan para makilala ko ang killer, para matapos na tong gulong toh.
"May itatanong ako sayo" sabi ko ulit dahil hindi naman sya nagsalita. Patuloy pa rin ang pagtitig nya sakin ng masama.
Ano ba naman tong babaeng toh oh! Ang sungit! Magtatanong na sana ko ng sumingit si Marsen at nagtanong. Pero teka... bakit sa iba ang bait nya?! May problema talaga sakin tong Vergara na toh eh!
"Ano bang itatanong mo?" Masungit nyang sabi sakin.
Kita mo toh oh -,- It's okay Ian. You need her help. You need the infos so be patient. Paalala na naman ng utak ko.
"Tatanga kalang ba dyan Ian?" Sabi nya sakin ng may bahid na pagkairita. Oo na eto na nga eh.
"Gusto kong itanong sayo ang nangyari 3 years ago. Tungkol sa Soul Section Massacre" Sabi ko sakanya na syang ikinagulat nya. Oo sakanya ko talaga tinanong yan. Dahil sya ang nagpakita ng news paper article na may kinalaman sa soul section massacre. Ramdam kong may alam syang di namin nalalaman.
At ngayon ko malalaman yun.
~Clarissa.
Uwian na namin at as usual magisa ako uuwi ngayon dahil ang mga loka kong kaibigan magkakalapit lang ng bahay. Sanay naman na ko mag isa eh.
"Bye Clarissa!" Isa isa nilang sabi sakin.
Napansin kong ako nalang mag isa ang natira sa room kaya ginapangan na ako ng matinding takot kaya dali dali na akong lumabas ng room si Cess na ang bahalang mag lock nyan pinuntahan nya pa kasi si maam at babalik na rin naman yun maya maya.
Nang nasa hallway na ko may napansin akong nakaupo sa dulo ng hallway. Mukhang umiiyak. Broken hearted siguro nung napansin nya ata ang presensya ko tumayo sya pero ang ikinagulat ko ay yung may hawak syang kutsilyo kaya napatakbo agad ako sa hagdan at nakita ko rin ang anino nya na tumatakbo palapit sakin hanggang sa may tumakip sa bibig ko.
~Cindy.
"Hoy traydor! Bakit hindi mo ipakita sakin yung katapangan mo ngayon?! Kung pumayag ka lang na makipag kasundo sakin edi sana ligtas ka lang! Ayan ang napala mo!" Sigaw nya sakin na may kasamang sampal.
Hindi ko pinansin yun kahit na sobrang sakit na para bang may 4 na piraso akong ngipin na nawala. Dahil na rin siguro sa gulat ko. Nabuo ang isang konklusyon sa aking isipan.
Pinilit kong ipagtagpi tagpi lahat ng nalaman ko tungkol sa killer na toh. At nakabuo ako ng sagot. Alam ko na.
"Anong nginingisi ngisi mo dyan?! Tanggap mona ba na mamamatay kana?! Buti naman! Pero don't worry Cindy. Dahil naging isa ka namang kaibigan sakin di pa kita papatayin ngayon, okay?" Ang dami nyang pinagsasasabi pero ni isa wala kong naintindihan dahil naka pokus ako sa bagay na natuklasan ko na syang dahilan ng pag ngisi ko sakanya.
"Alam kona ang sikreto mo"
Itutuloy........
BINABASA MO ANG
Mystery Of Soul Section
Mister / ThrillerSoul Section.Dito kabilang ang mga Magaganda,gwapo mayaman,matalino... Ngunit sa mga katangian nila aakalain mo bang ang isa sa kanila ay KILLER.Killer na nagtatago sa mala anghel na mukha at ugali...Ngunit bakit nga ba nya ito ginagawa? ano ang mot...