Chapter 3

10.8K 202 6
                                    

Chapter 3

"Ilang beses ko bang sinasabi sa'yo, na hindi ka pwedeng umalis sa pamamahay na 'to!" Napa pikit na lamang ako sa takot ng umalingawngaw ang malakas at nakaka hindik niyang sigaw sa silid.

"P-Pasensya na, umalis l-lang ako saglit para bumili ng ibang pangangailangan dito sa baha---"

"Sorry?" Puno ng sarkasmo nyang asik na lalo pang lumiyab ang mga mata n'ya sa galit. "Lintik na naman bang sorry ang maririnig ko sa'yo?!" Inis syang napa suklay sa kanyang buhok gamit ang kanyang palad.

Ayaw kong umiyak at maging kaawa-awa sa kanyang harapan.

Ayaw kong saktan niya naman ako.

Ayaw kong maranasan at maalala, kong paano niya ako sinasaktan.

"P-Pasensya kana, hindi na mauulit X-Xavier," Nag simula nang uminit ang sulok nang aking mga mata at nag babadyang mga luha. "Pasensya kana kong nilabag ko ang kautusan mo," saad ko at kasunod ang pag bagsak ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Fuck you!" Malakas nyang sigaw, at namilipit ako sa sakit, ng mas hinigpitan noya pa ang pag hawak sa pulsuhan ko. "Wala akong pakialam sa paliwanag mo naiintindihan mo ako? Wala ka talagang kwenta, kahit kaylan!"

Napa pikit na lang ako habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata.

Sobrang hirap.

Sobrang sakit.

"A-Aray, X-Xavier nasasaktan ako," pag mamakaawa ko sakanya, pero hindi pa din nag babago ang expression sa kayang mga mata; sobrang nakakatakot. "N-Nasasaktan ako Xavier. N-Nag mamakawa ako, wag mo na akong sasaktan, hindi ko nauulitin. Aray!" Daing ko ng mas hinigpitan niya pa lalo ang pag kakahawak nya doon, na alam ko mag iiwan 'yun ng marka pagkatapos.

Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito?

Ano bang nagawa kong pag kakamali para parusahan niya ako ng ganito?

"Wala akong pakialam! Hindi ako titigil hangga't hindi ka nag durusa, sa puder ko!" Nagulat na lang ako ng tinulak niya ako ng sobrang lakas na tumama ang aking balakang sa matigas na kanto ng center table.

Nabinggi ako ng tumilapon ang mga babasagin na mga figurine 

At kasabay ng pag bagsak ko ang pagkahulog at pagkabagsak ng mga mamahalin na figurine sa ibabaw ng center table. Nabinggi ako sa lakas ng pag kakabasag at kitang-kita ko kong paano 'yon nag kahati-hati. Wala ng lumabas na boses sa aking bibig dahil sa sakit ng pag kakatama ng balakang ko. "Ahhh!" halos mamilipit ako sa sakit habang hawak-hawak ko ang aking balakang na animo'y wala ng tutumbas sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hanggang sa di ko na nakayanan, tumulo na ang luha at pinigilan ko ang aking sarili na mag pakawala ng inggay dahil sa sakit na nararamdaman ko. Tinignan ko si Xavier na nanatili pa din na naka tayo habang pinag mamasdan ako, na tila ba wala syang pakialam sa nararamdaman ko.

I devil vicious smile built on his lips while watching me suffering.

Wala akong mailabas na kahit anong salita saaking bibig dahil hirap na hirap na ako sa kalagayan ko ngayon. Hinahayaan ko lang umagos ang luha sa aking mga mata habang naka tingin sakanya.

Gusto kong huminggi nang tulong sakanya pero alam kong hindi naman siya mag tatangka ng oras at panahon para tulungan ang isang kagaya ko.

"You deserve that you filthy bitch!"
Dahil doon mas bumigat pa lalo ang aking dibdib sa sakit dahil sa ginagawa niya saakin. Nag simula niya ng ihakbang ang kanyang paa para iwan ako.

Aaliyah [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon