Chapter 4

9.8K 197 5
                                    

Chapter 4

AALIYA'S POV

Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi, ng nilapag niya ang niluto niyang almusal sa lamesa, gaya ng kanin, hotdog at tapsilog. Nag handa din siya ng corn and crab soup para sa binata.

Natigilan ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang mabigat na yabag ng paa papunta sa aking kinaroroonan. Binalingan ko ng tingin kong sino 'yun at nakita ko si Xavier na halatang bagong gising.

Tanging suot niya lamang ang puting v-neck white tshirt, na bumakat sa suot niyang damit ang magandang hubog ng kaniyang katawan at suot niya itim na shorts. Magulo din ang kaniyang buhok, na hindi alintana at mabawasan ang guwapo niyang taglay.

Malamig at walang emosyon ang kaniyang mga mata at naka kunot na naman ang noo nito.

"Uhm. Kain kana," aya ko sakaniya at dire-diretso lamang siyang umupo sa bakanteng upuan. "N-Nag luto pala ako ng sopas, sana magustuhan mo." nauutal niyang sambit at pinapanuod niya ang binata na mag simulang kumain ng almusal, na wala pa ring imik.

Bahagya akong lumapit sakaniya, at sinandukan siya ng soup sa mangkok. Nang matapos ko ng maisalin 'yun, nilagay ko na sa kaliwang bahagi niya na madali niyang makakain. "N-Nalaman ko kasi na maganda daw ang soup, pang pawala ng hang-over, kaya't 'yan ang hinanda ko ngayong almusal." dagdag niya muli at wala siyang nakuhang sagot dito.

Sinulyapan niya ng titig si Xavier, na blangko pa din ang kaniyang mukha, at walang planong sagutin ako.

Lumayo na ako sa sakaniya at inasikaso kong ligpitin ang kalat sa lababo.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na pag masdan ng palihim si Xavier ng palihim, na ginawa ko ang soup para sakaniya.

Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi, at pinag patuloy niya ang kaniyang ginagawa.

XAVIER'S POV

Tinanggal niya ang surgical mask at gloves sa kaniyang kamay, na tanda na tapos na ang sinagawa niyang operasyon ngayong araw.

Hinubad niya na ang blue coat, at nag labas na siya sa Emergency room. Ramdam niya ang yabag ng pag sunod ng nurse sa kaniyang likuran, na animo'y may gustong sabihin sakaniya.

"Dr. Montecillo, remind ko lang po kayo, na mayron po kayong next surgery bukas ng tanghali at ang patient po ay si Mr. Valdez," saad nito at isang tango lamang ang sinagot niya.

Dire-diretso at taas noo siyang mag lakad. Sa bawat maka salubong niyang mga pasyente at staff sa Hospital, hindi mapigilan na mapa titig sakaniya.

I'm Dr. Xavier Montecillo, isang Neurologist doctor sa St. Gabriel Hospital, na pinamamahalaan ng kaniyang Lolo Gabriel.
Karaniwan sa kaniyang Tito, Tita, pinsan at malalapit na kamag-anak, ay ang pag aaral ng medisina ang kanilang kinuhang trabaho at 'yung ilan sa kanila dito nag tra-trabaho sa Hospital na, negosyo ng kaniyang Lolo.

Malaki ang St. Gabriel Hospital at kompleto sa pasilidad na kakailangan ng mga pasyente. Maraming mga sikat at magagaling na doctor at specialist ang nag tra-trabaho dito sa kompaniya, kaya't ilang beses na din nailabas sa radio, tv at newspaper ang Hospital, dahil sa ilang taon itong nangunguna sa listahan ng mayaman at sikat na Hospital dito sa Pilipinas. Isa na siya sa sikat at kilalang batang Neurologist, sa St. Gabriel Hospital.

Bata pa lang siya, pinangarap niya sa kaniyang sarili, na susunod siya sa yapak na trabaho ng kaniyang mga magulang kaya't doon siya nag porsige na maka tapos at pag aralan ang tungkol sa medisina dahil gusto niyang maka tulong sa mga pasyente.
Mag- isa na lamang siyang naninirahan dito sa Pilipinas, dahil ang kaniyang mga magulang, ilang taon na nag migrate sa States, kasama ang nakababata niyang kapatid na babae.

Aaliyah [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon