Oo, mahal kita
Oo, sa buhay ko'y importante ka
Pero hindi ako magpapaka tanga
Sa taong walang pake kahit na ako'y nasasaktan na.Sabi mo noon walang iwanan
Sabi mo ako'y iyong poprotektahan
Sabi mo gagawin mo ang lahat para sa aking kasiyahan.
Pero anong ginawa mo? Ako'y iyong sinaktan.Lahat ng pangako mo,
Tinupad mo na sa ibang tao,
Pinaasa mo na nga ako,
Dinurog mo pa ang puso ko.Huwag kang mag alala,
Makakalimutan din kita,
At sa ating muling pagkikita,
Hindi na kita kilala.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryTagalog and English Poems. I hope you'll appreciate it. Most of the poems are for fangirls na one sided love kay Bias 😂