Pagod na ako sa lahat ng bagay,
Puro problema na lang ang aking nadadatnan sa bahay,
Pagod na ako kaiintindi sa sarili ko,
Gusto kong magalit sa lahat ng tao.Kausapin niyo naman ako oh,
Intindihin niyo naman ang nararamdaman ko,
Gusto kong isigaw ang lahat ng ito,
Ngunit ayaw lumabas ng boses ko.Pagod na ako kaiisip kung bakit hindi ako sapat,
Lahat naman ginagawa ko, ano pa ba dapat?
Pagod na ako sa mga problema sa paaralan,
Minsan napapatanong ako, ito ba talaga ang mga bagay na dapat kong pag aralan?Gusto kong iiyak ang lahat ng ito,
Gusto kong pag pahingahin ang sarili ko,
Gusto kong matulog ng isang buwan,
Pero sapat ba ang isang buwan, para mawala ang pagod na aking nararamdaman?
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryTagalog and English Poems. I hope you'll appreciate it. Most of the poems are for fangirls na one sided love kay Bias 😂