Pasensya na

95 5 0
                                    

Pasensya kung hindi ako yung tipo ng babae na gusto ng lahat ng tao.
Pasensya na dahil hindi ako yung tao na karapat-dapat ipag malaki sa buong mundo.
Sino nga lang ba naman ako?
Wala naman akong lugar dyan sa puso mo.

Kahit nasasaktan na ako sa mga pinagsasabi mo,
Pinipilit ko pa ring ngumiti, maipakita lang na malakas ako,
Handang akong mag panggap para sa kaligayahan mo,

Mga simpleng salita na parang wala lang sayo,
Hindi mo alam na nasasaktan na ako ng husto,
Oo, ganito ako ka sensitibo,
Pasensya na, ganito lang kase ako.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon