Sa umaga, nag go-good morning ka.
Kapag matutulog kana, nag go-good night ka.
Araw-araw pinaparamdam mo na mahalaga ako sayo.
Hindi ko alam na pampalipas oras mo lang pala ako.Bakit ganyan ka? sinanay mo ako sa mga sweet messages mo.
Hindi mo naman pala kayang panindigan ang nararamdaman ko.
Ano ba talaga tayo?
May papel ba ako sa buhay mo?May lugar ba ako diyan sa puso mo?
Sabihin mo naman oh!
Para hindi na ako umasa at nasasaktan ng ganito.
Sawang-sawa na ako.Pagod na ako kakatanong sa sarili ko kung ano ba talaga tayo.
Ano ba talaga tayo?
Meron bang tayo?
Ayoko ng ganito kase pakiramdam ko wala akong karapatang magalit kase wala namang tayo.Oo, walang tayo,
kasalanan ko kase umasa ako sayo kahit walang tayo,
Ayoko ng magpakatanga sa taong pinapaasa lamang ako.
BINABASA MO ANG
Poems
PoetryTagalog and English Poems. I hope you'll appreciate it. Most of the poems are for fangirls na one sided love kay Bias 😂