Paalam

118 2 0
                                    

"People come and go" sabi nila.
Dahil aalis na ako,
Sana maging masaya ka,
Sana sa pag alis ko, may darating na bago sa buhay mo.

Sana dumating na yung taong tunay na magpapasaya sayo,
Sana mahalin ka niya sa bawat pintig ng kanyang puso.
Ang tanging hiling ko lang naman,
Ay wag mo akong kalimutan.

Wag mo sanang kalimutan,
Ang ating mga tawanan at kulitan.
Kulitan natin na ina abot ng alas dos ng umaga,
Tila hindi napapansin ang oras dahil nagkakasiyahan pa.

Nagsimula sa simpleng tanong na "anong pangalan mo?"
At ngayon ay nagtatapos na sa "Paalam na sayo"
Lumipas man ang mga araw at linggo,
Palagi kitang maaalala sa mga tahimik na pag iyak ko.


Paano ba yan? Paalam na.
Ang ating landas ay maghihiwalay na.
Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko.
Salamat sa lahat-lahat, Paalam na sayo.

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon