Meet the part-timer

6 1 0
                                    

(Erin Choi)

"Expresso for Mr. Dave Lee! Expresso for Mr. Da~ pwe! Ano ba naman Hani?"

-tinakpan nya kasi nang kamay ang bibig ko.

"Shh, ako na ang mag aabot kay Mr. Dave hihi"

"Haist! Naiintindihan ko namang good catch na yang si Mr. Dave, mabait, gentleman, gwapo at friendly pero nasa forties na sya kaya kahit hindi naman halata parang tatay mo na rin sya at mas mabuting kalimutan mo nalang na crush mo sya"

"Ang mean mo naman! Alam mo sa panahon ngayon Erin, mahirap nang makahanap nang mga taong kagaya nya no"

"So plinaplano mo talagang mag boyfriend nang taong ni hindi mo nga alam kung may asawa at anak na?"

-nginitian nya lang ako at kinuha na yung kape sa kamay ko. Hay ang baliw na yon! Tatlong araw palang naming nagiging regular customer si Mr. Dave pero gabi gabi yata kapag magkausap kami sa phone puro Dave nalang ang naririnig ko. Hindi ko naman sya masisisi kasi napaka gwapo naman talaga ni Mr. Dave kahit saang anggulo tingnan pero kahit na! Para na naming syang tatay! Nakalapit na sa table nya si Hani and as usual, dinaldal na naman sya ni Hani.

"Close ba si Hani at Secretary Lee?"

"Ay kabayo!"

-bigla nalang kasing lumapit sakin yung isa pa naming kasamahan sa trabaho.

"Secretary Lee?"

"Oo, hindi mo ba sya kilala? General Secretary sya nang McFord Group"

"McFord? Yung may ari nang Ford Bar sa may Incheon? Saka Clothing brand dito sa Seoul?"

"May humigit kumulang isang daang Restaurant din sila dito sa korea at ang main branch, nasa Jeju"

"Woah, hindi ko alam na ganun pala kayaman ang taong yan. 3 days na natin syang customer"

"Magbasa ka kasi nang Dyaryo. Sa malamang bilyonaryo na din ang taong yan. Ang balita ko pa, personal secretary din sya nang Chairman at nang tagapag mana nang McFord group"

-inabutan nya lang ako nang bean bag at umalis na.

"Wow, agawan kona kaya nang Crush si Hani?"

-Muka nga naman syang Secretary, bakit ba hindi ko yon nahalata? Lagi syang naka suit tapos parang laging may dalang mga papeles at palaging may kausap sa phone. Natitigil lang sya kapag ready na yung kape.

"McFord? Sila din yung may ari nang M.C hotel na pinag deliveran ko nang pizza dati"

-tumatawa na si Mr. Secretary at patuloy parin sa pag dadaldal si Hani.

"Ano kayang pinaguusapan nila?"

-Binuksan kona yung bean bag at nilagay sa coffee machine. Hanggang five pm pako dito sa coffee shop, after nito lilipat naman ako sa Resto sa kabilang kanto. Tapos bukas may trabaho ako sa laundry at sa Pizza house. Dami kong part time job no? Well, I need it. The future depends on how I work hard today. My phone rang kaya sinagot ko muna yun habang isinasalin ko yung coffee at minimix ang flavor.

"Mama? Kamusta po?"

'Ayos naman anak, busy kaba ngayon?'

"Nako hindi po mama. Ayos lang po, medyo konti lang naman po ang customer ngayon sa coffee shop"

-Through phone calls lang ang tanging communication ko sa pamilya ko. I left busan for good nung 15 years old palang ako dahil sa isang sitwasyong hindi mo gugustuhing katayuan mo.

'Nako pasensya kana dahil biglaan ang pagtawag ko ha, kapatid mo kasi nangungulit na naman na bisitahin kana daw namin dyan'

-Natigilan nalang ako sa pag mimix nang coffee at kusa na namang tumulo ang mga luha ko.

He's My Innocent Jerk Where stories live. Discover now