*Calin and Hailey on media 👆👆👆*
(Calin's POV)
"Kapag napahamak si Blade kasalanan mo yun"-Seven
"Grabe. Salamat ha, nakakatulong ka sakin ngayon seven"-Calin
-parehas kaming nasa rooftop at kanina pakong paikot ikot sa harapan nya. Dapat hindi ko sya hinayaang umalis, papano kung mapahamak nga sya? Tsk, wala sinasanto si Blade. Sanay nako sa kanya na padalos dalos nang desisyon pero ito ang unang beses na talagang kinuha nya sa kamay ko yung pocket knife na sanay naman syang nakikita na pinaglalaruan ko yun pag galit ako.
"Sa tingin ko dapat sundan na natin sya"-Seven
-nagkatinginan lang kami ni Seven at sabay na kaming bumaba sa emergency exit. Kinakabahan ako, dapat ba kinontrol ko kanina ang galit ko at hindi ko na sa kanya ipinakita? Napakalalim nang history nang away nilang dalawa ni Daile simula pa noon at sana naman wag nang maghukay pa si Blade nang mas malalim na pag uugatan na naman nang mas malalang away nilang dalawa.
"Aish!"
-tumakbo na kaming dalawa papunta nang parking lot at lumimot pako nang tubo na nakuha ko sa gilid nang basurahan. Gera na kung Gera, masyado nang namimihasa ang Daile na yan.
"Tandaan mo lang ang rule natin sa Gera, ipaubaya si Daile kay Blade ganon lang!"-Seven
-sinisigawan nya ko habang bumababa kami sa parking lot at nakita kong nangagaw narin sya nang baseball bat mula sa mga baseball players na nakasalubong namin.
"Babasagin ko ang pagmumuka mong Daile ka"
-nakarating na kami dun at naabutang dumudugo ang kamao ni Blade.
"Ano to may sugat na agad sya?"-Calin
"Nakuha nya siguro sa mga bubog. Basag lahat nang headlights"-Seven
-nasa harapan nya yung isang kabarkada ni daile at tinututukan sya nang kutsilyo. Teka akin ba yun?
"Lumapit kana sakin!!"-Blade
-pagsigaw na pagsigaw palang ni Blade kaagad nang umatake sa kanya yung kabarkada ni Daile, nagkatinginan kami ni Seven at sabay na tumakbo papalapit kay Blade pero natigilan kami nang...
"TUMIGIL KAYO!!!"
Now playing: Every single day- Super Power Girl, Strong Woman Do Bong Soon sountract.
-umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw na yon kaya naman hinanap ko kung saan nagmumula yon. I gasped in my horror nung nakita ko sya. What the heck? Anong ginagawa nya rito?
"Erin?"-Seven
-nagtatatakbo sya at may hawak hawak na mahabang sanga nang puno. Ipinaghahampasan nya yun sa hangin at kaagad na humarang sa pagitan nilang dalawa. Nakaharap sya dun sa kabarkada ni Daile na natigilan din sa gulat.
"Itigil nyo na to. Masamang mag away"-Erin
-Hingal na hingal pa sya habang sinasambit ang mga salitang yon at titig na titig sa taong kaharap nya.
"Sa tingin nya ba talaga mapapatigil nya ang dalawang yan sa pamamagitan lang nang ginagawa nyang pagharang?"-Calin
-Narinig kong tumawa nang mahina si Seven kaya naman napatawa narin ako. Haist, ang cute nya. Para syang si Strong Woman Do bong soon.
"Ano bang ginagawa mo dito?! Umalis ka dyan!"-Blade
-tinulak sya ni Blade palayo pero kaagad ulit syang bumalik sa pagitan nilang dalawa.
"Tama na! Hobby mo ba talagang makipag basag ulo? Nung una kitang nakita nakikipag suntukan ka sa labas nang convenience store, nung unang araw na binantayan kita nakikipag suntukan ka sa classroom at pati ba naman ngayon? Apat na araw palang kitang kilala!"-Erin
YOU ARE READING
He's My Innocent Jerk
FanfictionHe's my Innocent Jerk is a story inspired by a korean series entitled Cinderella and Four knights. The story revolves around friendship, teen love and trust. How will a typical hardworking girl handle a reckless Jerk? Help me find out. Enjoy! Sarang...