(Erin)
"Yah congrats!!!"
-sinalubong ko kaagad sya sa may pintuan palang habang may dala dala akong cake na binake namin mismo ni Hani kanina.
"Ano yan?"
"Cake. Kami mismo ni Hani ang nag bake nyan"
-nakakunot lang ang noo nya sakin at patingin tingin sa box nang cake na kanina kopang ibinabandera sa muka nya.
"Anong meron sayo? Kasasabi kolang sayo kahapon na wag kanang babalik rito pero ngayon binibigyan moko nang cake?"
"Edi wag kung ayaw mo"
-ibinaba kona ang kamay ko at tumalikod pero bigla nya kong hinila paharap at kinuha yung box sa kamay ko. I smirked.
"Ano ka sinuswerte, para sakin yan eh!"
"Kukunin mo din pala nginalay mo pa braso ko"
-tiningnan tingnan nya yung box at pinaikot ikot.
"Ang girly naman neto. Para kang nag coconfess nang love sa isang lalaki. Wala bang lason to?"
"Bakit? May alam kaba kung san may mabibilhan non? Kasi next time parang gusto kona talagang lagyan"
-nilagpasan nya lang ako at pinatong sa table yung cake. Nagtanggal sya nang coat at hinagis sa sofa.
"Haist! Next time naman matuto ka ngang maglagay nang damit mo sa tamang lagayan. Sige magmula ngayon maghihigpit nako sayo para sumunod ka sakin! Kapag di mo sinunod ang mga pinapagawa ko sayo, sasabihin ko kay dave na bawasan ang allowance mo at wag na talagang ibalik ang credit card mo!"
-paupo na sana sya pero natigilan sya sa sinabi ko at lumapit sakin.
"At sino kaba para ganyanin ako?!"
"Trabaho ko ang ginagawa ko!"
-nakatingala ako nang dahil sa tangkad nya pero kinakailangang magmuka akong mas matanggad kekesa sa kanya para mapasunod ko.
"Sino bang may sabi sayong magtrabaho ka para sakin!"
"Hindi ikaw ang employer ko!"
-palapit pa sya nang palapit na parang tigreng pinapalayas ako sa tiretoryo nya pero isa akong rabbit na magpupumilit parin sa kweba nya.
"Hindi kita gusto!"
"Hindi rin kita gusto!"
"Ang pangit mo!"
"Mas pangit ka!"
-nag ring bigla ang phone nya kaya kami natigilan sa pag aaway. Kinuha nya yon sa coat nya na nasa sofa at saka sinagot.
"Hello Seven?"
-Seven? Bakit kaya? Lumapit ako nang konti sa kanya at itinapat ang tenga ko sa phone nya. Tumiad pako nang konti.
'Airport? Bakit? Anong ginagawa dyan ni Dave?"
-pinipilit nya kong alisin sa tabi nya pero nagpupumilit parin akong makinig sa conversation nila.
'Banner? Welcome Mrs. McFord?'
-biglang naging seryoso ang pagmumuka nya kaya naman lumayo nako. Wala rin naman akong marinig.
Mukang mama nya ang pinaguusapan nila. Ibinaba nya na ang tawag at parang bigla syang namutla."May problema ba?"
"Kailangan kong pumunta sa airport"
"Hmm? Bakit? Ngayon na?"
YOU ARE READING
He's My Innocent Jerk
FanfictionHe's my Innocent Jerk is a story inspired by a korean series entitled Cinderella and Four knights. The story revolves around friendship, teen love and trust. How will a typical hardworking girl handle a reckless Jerk? Help me find out. Enjoy! Sarang...