The Fire Has Started

0 0 0
                                    

-hindi kona alam kung anong oras nakaalis si Secretary Lee, ang alam ko lang nakatulog nako sa kabila nang nakakasilaw na ilaw at sigaw ni Blade. Discharged na sya ngayong araw at heto sya ngayon Jerking around the house. Ngayon na andito na ulit kami sa bahay siguro naman ito na ang tamang pagkakataon para simulan ang trabaho ko.

"Asan naba yung jerk na yun?"

-kanina kasi nasa swimming pool sya, tapos naglaro nang Xbox, tapos pumasok sya sa Sword room nya nung katanghaliang tapat at isang pirasong chicken feet lang ang kinain. Pag ipinagpatuloy nya pa ang ganitong lifestyle magkakasakit sya.
Kinatok ko yung kwarto nya.

"Andyan kaba?"

-sana naman maki cooperate sya sa trabaho ko. Trabaho kong ayusin ang buhay nya. Masyado nang late para disiplinahin sya kaya naaawa ako para sa isip bata nyang utak.

"Hey. Papasok nako kapag hindi kapa sumagot"

-hindi parin talaga sya sumagot kaya naman pumasok nako. Ibahin moko Zion Blade McFord. Hindi mo ko kayang paikutin dyan sa mga palad mo.

"Huh? Asan sya?"

-wala naman sya sa kwarto nya. Narinig kong bukas ang gripo sa banyo.

"Grabe, trabaho nya ba talagang mag aksaya?"

Now playing: From Now on
Weightlifting Fairy: Kim bok Joo

-papasok na sana ko sa banyo nya para patayin yung gripo pero nagbukas na yung pinto mula sa loob at lumitaw sya sa harapan ko nang... nang... Topless! at towel lang ang tapis sa baba. Basang basa yung buhok nya at umaagos pa sa katawan. He looks so dazzling hot. OMO!!! Ano ba tong iniisip ko?!!!  Nagsalubong yung kilay nya nung nakita nya ko kaya  napatalikod ako kaagad. Nakita ko yung Six pack abs nya, wahhh!!! First time kong makakita nun. Kailangan kona yatang ipadukot ang mata ko!

"Ano to ha? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"Y-yung gripo kasi papatayin ko sana"

"Gripo?"

"A-ang ak-ala ko kasi iniwan mong bukas"

-nabubulol na ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako pero kating kati nakong lumabas sa kwartong to. Hindi ako mapakali, kailangan ko nang lumabas. Mag hy hyper ventilate nako dahil sa puso kong iluluwa kona ata.

"Rinig mo yung gripo mula sa labas? Gano kalakas ang pandinig mo ha?"

"Hinahanap kita kaya pinuntahan kita sa kwarto mo tapos narinig ko yung gripo masaya kana ba?"

"Yan linawin mo kasi"

"A-alis nako"

-paalis nako pero hinigit nya yung hood nang jacket ko kaya naman hindi na naman ako nakagalaw. Kumabog pa yung puso ko nang dalawang beses kekesa sa kaba ko kanina.

"Alam mo bang bastos makipag usap nang nakatalikod? Bakit ba hindi ka humarap sakin? Wag mong sabihing ngayon kalang nakakita nang katawan nang lalaki?"

"A-ano naman ngayon s-ssayo kung ngayon nga lang ako nakakita nang katawan nang lalaki? Ano bang akala mo sakin?"

"Wow grabe. No offense pero nakakaawa ka. Walang duda na wala kapang nagiging boyfriend, hindi ka naman kasi girlfriend material"

-Ano daw!!! Ang dami ko kayang manliligaw!!!

"Excuse me, sa dami ko kayang manliligaw sa school ko anong..."

-hindi kona natapos yung sasabihin ko nung bigla nya kong hinawakan sa dalawang balikat at iniharap sa kanya.

"Take a good look then. Nakaka awa ka naman kaya sige na titigin mo lang. Savor it para hindi ka mabitin"

He's My Innocent Jerk Where stories live. Discover now