Prologue

316 16 1
                                    

"Master! Nagsisimula na ang T.S.M.A. sa kanilang unang hakbang, binubuo na nila ang grupo ng mga Mythmen!" sabi ng matabang matandang lalaki na para bang butler.

"Malas! Tawagin mo ang ating mga kakampi, bago pa mahanap ng T.S.M.A. ang ibang mga mythmen!" galit na sigaw niya.

"Masusunod master..." sabi ng matanda at kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at sinabing... "Hello... Maghanda kayo, kailangan ninyong hanapin ang ibang mga batang mythmen sa lalong madaling panahon!" sigaw niya.

***************

Arc's POV

Ako nga pala si Arc Magistone, 20 years old, nag-aaral sa Harvestton University sa kursong Criminology. Oo gusto kong maging pulis, mula kasi nung pinatay ang aking mga magulang ng mga taong hindi nakilala, nagpasya na ako, na ako mismo ang maghahanap at maghihiganti.

Pero tao nga ba ang may gawa? O higit pa do'n?

Mula noon ang lola ko na ang nagpalaki sa akin at may isang sikreto ako na hindi ko ipinagsasabi kahit kanino.

Ako lang at ang lola ko ang nakaaalam ng aking tunay na pagkatao.

Gusto mo bang malaman kung sino ako?

Malalaman mo rin dahil baka isa ka rin sa mga kagaya ko

O higit pa doon.

Napakamisteryoso 'di ba?

Samahan mo na lang kaya ako para malaman mo?

Tara na't samahan ako sa maaksyong paglalakbay na aking tatahakin.


*********

THE MYTHMEN REBORN (CSU SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon