Chapter 2: The First Action

175 10 1
                                    

Lola Reve's POV

Bakit kaya ang tagal ng apo ko? Madalas naman maaga pa siya kung umuwi. Anyways, I am your lola Revenger Magistone or just call me lola Reves na lang for short. Well as usual, maghihintay na naman ako kung kailan dadating ang apo ko. Heto ako ngayon nagpi-prepare ng aming hapunan. Nasa 98th floor kami ng building na 'to, medyo nakalulula ang taas pero maganda ang view.

Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba. Para bang may pamilyar na nilalang ang pumasok sa unit namin?

Tama nga kilala ko siya.

"Mr. Drangerock... I know you're there." --

"Ms. Magistone, hindi ka pa rin nagbabago, gano'n pa rin, matalas pa rin ang pakiramdam mo..." sabi niya.

Tumanda na siya, may balbas at bigote maliban na lang sa kulay silver niyang mga mata na para bang naka-contact lenses. Nakasuot siya ngayon ng itim na coat, cowboy hat at siya ay naka-boots. Mapapansin naman ang suot niyang belt na may lalagyan ng kanyang baril. Tandang-tanda ko pa noong una niya itong ginamit at parang walang nagbago dito. Isa itong revolver na kulay silver at ang mga bala nito ay kulay puting magic energy na nanggagaling mismo sa kanya.

"Alam mo kasi Revenger, hinahanap ngayon ni Zumus at ng kanyang mga alagad ang mga batang mythmen. Kaya ako nandito para magbigay ng babala, teka nga pala nasaan na ang 'yong apo?" sabi niya.

"Hindi pa siya umuuwi, malamang papauwi na 'yun, pero ang ipinagtataka ko ay dapat nandito na siya" sabi ko.

"Nalintikan na! Sumama ka sa akin at tulungan mo akong hanapin siya!" sigaw niya.

Agad naman akong sumang-ayon sa kanya. Pero may kakaiba na naman akong naramdaman. Tumingin ako sa napakalaking bintana namin na gawa glass na halos kita ang buong syudad at bigla itong nabasag na para bang may umatake mula sa labas.

"Mga alagad ni Zumus na sina Tronium at Alzan!" sigaw ni Thumpyr.

"Mga alagad ni Zumus na sina Tronium at Alzan!" sigaw ni Thumpyr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang dalawang dumating ay mga bata pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang dalawang dumating ay mga bata pa. Halos kaedad lang nila ang apo ko. Ang isa ay nagtataglay ng mga pakpak na para bang sa paniki at may buntot siya na parang deviltail at may mga tenga siya na pointed. Ang isa naman ay lumilipad din dahil na rin sa ang katawan niya ay nababalot ng apoy. Sumugod silang dalawa. Pinagbabaril naman sila ni Thumpyr. At ngayon silang tatlo ay naglalaban habang ako ay nagtatago sa likod ng sofa.

THE MYTHMEN REBORN (CSU SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon