Chapter 9: The King's History

129 9 1
                                    

Arc's POV

Nandito ako ngayon sa isang parte ng palasyo.

Para siyang Art room.

Puno ito ng mga ipinintang imahe, mga makalumang vase, sculptures at naka-display na mga weapon.

Maganda ang mga litrato at naka-frame ang mga ito.

May napansin naman akong isang litrato na para bang family picture.

Nakakabit ito sa pader.

Isang mag-asawa at dalawang anak.

Ang isang anak ay itim ang bahaging pang-ilalim o ang parting kalahating kabayo.

Ang isa naman ay kayumanggi at kamukha niya si...

Mr. Theodore?

Tama, siya nga.

Ano kaya ang nangyari?

Bigla ko namang nakita si Mr. Zack ang salamangkero.

"Gabi na, bakit ka pa nandito" sabi niya.

"Naglalakad-lakad lang po ako, ah... Mr. Zack... Kapatid po ba ni Mr. Theodore ang isang lalaking 'yun?" sabi ko.

"Ah 'yun ba? Oo tama ka... Kapatid nga niya iyon... Siya si Valker ang kanyang nakatatandang kapatid... Nasa Underrealm na siya ngayon. Mahirap ito paniwalaan lalo na at hindi mo alam ang buong istorya niya" sabi ni Mr. Zack.

"Makikinig po ako..." sabi ko.

"Hmmm... Alam mo kasi Arc, minsan nang naglaban ang dalawang 'yan dahil lang sa kinatatayuang mong kaharian ngayon... Dahil sa kasakiman ni Valker sa kapangyarihan at kayamanan at ng kanyang paghihiganti, nagawa niyang labanan ang sarili niyang kapatid. Ginanap ang isang napakalaking digmaan sa pagitan ng dalawang panig. Naglaban sila, bumaha ng luha at dugo at lumikha ng ingay ang mga espada at nagsiliparan ang umaapoy na mga palaso. Centaur laban sa centaur na kakampi ni Valker. May mga kasama ring mga dragon noon si Valker at sa amin naman ang mga tapat na hayop ng kagubatan, may leon, tigre, uso at marami pang iba at meron pa kaming kasama sa himpapawid, ang mga Griffin. Maganda ang labanang 'yun at malakas ang aming pwersa. Sina Theodore naman at Valker ang nagtapatan. Espada sa espada ang kanilang labanan. Natalo si Valker at ikinulong siya sa Underrealm. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa aking alaala ang mga pangyayaring 'yun... Alam mo kasi Arc, hindi naman masama ang mangarap pero dapat ang sapat lang..." sabi ni Mr. Zack.

"Napakadilim po pala ng kasaysayan ni Mr. Theodore" sabi ko.

"Ang kadiliman Arc ay pansamantala lang, dahil ang tunay na naghahari ay ang liwanag... Oh sige aalis na ako" sabi niya at bigla siyang nawala nang bigla niyang pinatunog sa sahig ang kanyang gintong tungkod.

Ang huli ko na lang nakita ang gintong liwanag.

Lumabas ako at pumunta sa balkonahe.

Nakikita ko ngayon ang tatlo nilang buwan na nagliliwanag.

Napaisip ako.

Sa likod pala ng kanyang mga tawa at ngiti ay may nakatago palang kalungkutan?

*******************

Umaga na.

Nandito pala kami ngayon sa gitna ng disyerto.

May mga nakatayong bagay sa aming harapan.

Mga target ito na dapat naming patamaan.

Tig-iisa kami.

"Ngayon ang unang araw ng inyong pagsasanay. Ang bawat target ay dapat patamaan sa bilog na nasa gitna... Gaya nito..." sabi ni Mr. Theodore at bigla niyang pinana ang target.

THE MYTHMEN REBORN (CSU SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon