Chapter 10: The Big Day

148 9 1
                                    

Third person's POV

"Ano! Natalo kayo ng isang Sorcerer? Ano na lang ba ang maasahan ko sa inyo! Mga mahihina!" sigaw ni Zumus.

Bigla siyang tumayo at sinabing...

"Mukhang ako na ang may kailang gawin! Mr. Dortle ihanda ang Quadship!" sigaw niya.

*************************

Arc's POV

Mabilisan kaming napunta sa T.S.M.A. at suot pa rin namin ang aming mga armor o uniform na ibinigay ni Mr. Zack.

Nasa gitna kami ng Training field at napakalawak nito.

Napapalibutan kami ng mga ilaw at ang lupa ay nababalot ng damo.

Bigla namang may nagpakitang parang kuryente sa harap namin sa gitna mismo ng field. Lumilikha ito ng parang pabilog na hugis at ang hangin ay biglang lumakas.

"Maghanda kayo!" sigaw ni Ivion habang lumilipad at mabilis siyang lumapag sa kinalalagyan namin.

Kaya kami ay naghanda.

Bigla namang nagpakita si Mr. Zack sa likod namin at parang nag-teleport siya at hawak-hawak niya ang kanyang gintong tungkod.

"Umatras muna kayo mga bata" sabi niya.

Ang kuryente ay lumaki nang lumaki at hinihigop nito ang hangin.

At biglang nagpakita ang isang Spaceship.

Kulay itim ito na puno ng mga ilaw.

Biglang bumukas ang pinto nito at may lumabas na usok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Biglang bumukas ang pinto nito at may lumabas na usok.

Bigla namang naghanda sina Wendy, Elise, Ivion at pati na rin ako.

Bumuo kami ng isang pakurbang linya na nakaharap sa spaceship.

Nakaabang lang kami.

At maya-maya pa ay biglang lumabas sa spaceship si...

"Zumus!" sabi ni Ivion.

Bigla niyang itinapat ang kanyang kamay sa direksiyon kung saan kami nakatayo.

At bigla itong umilaw at naglabas ng itim na enerhiya.

Tatamaan na sana kami kung hindi nakaharang ang magic shield na binuo ni Mr. Zack.

Ang malakas na enerhiyang 'yun ay parang nag-bounce lang sa shield at tumama sa taas at bigla itong gumuho.

Gumuho ang kisame at nagbagsakan ang mga debri.

Kahit anong taas nito ay naabot pa rin ito ng kanyang kapangyarihan.

Ganun pala talaga kalakas ang kanyang kapangyarihan?

Sumugod na kami. Kami ngayon ay tumatakbo habang iniilagan ang mga nagbabagsakang mga debri.

Naririnig ko ang mga malalakas na pagsabog na nililikha ng mga nagbabagsakang bagay.

THE MYTHMEN REBORN (CSU SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon