[Yoona's POV]
Pagkatapos namin kumain. Lumabas muna ako ng Pavilion. Then, pumunta ako sa may Shore.
Malapit na mag-Evening. Kaya may sunset na. Ganda talaga ng sunset.
Nagtampisaw ako sa dagat. Kasi favorite ko talaga ang water. Pero napagod na ako sa pagkakatayo eh.
Kaya umupo ako sa sand.
Hindi pa naman nagsisimula ulit ang party. Kaya mamaya na lang ako papasok.
Hayyst.
Mahal ko pa ba si Luhan? Bakit kasi pag katabi ko siya bilis tumibok ng puso ko? Bakit kapag si Donghae ang kasama ko si Luhan lang talaga ang nakikita ko at iniisip ko?
Dami kong tanong. Pero di man lang nasasagot.
Natatakot ako na sabihin ang nararamdaman ko. Kasi takot akong masaktan muli. Takot ako na mahalin siya.
Siguro. Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo pag dating sa lovelife. /sarcastic/
Bakit ba kasi ang selfish ng mundo sa akin? Hindi man lang naging perpekto yung relasyon namin ni Luhan.
Siguro, walang perpektong relasyon. Walang mga fantasy. Kasi lahat yun sa Telenobela ko lang mapapanood.
Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin. Kaya napatingin naman ako.
Si Luhan na naman. Ito na naman ang puso ko. Bilis tumibok. Parang may Construction Workers sa loob eh.
"L-luhan, b-bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Tapos lumingon siya sa akin.
"Wala lang." Yan na naman siya sa line niya na 'Wala lang'.
"Ei naman. Gusto mo lang ako makasama." Pasimleng sabi ko. Kapal ko!
"A-anong sabi mo?" Tanong niya.
"Wala. Sabi ko ang ganda nung sunset." Palusot ko na naman.
"Oo nga. Kasing-ganda mo." Bolero talaga tong si Luhan.
"Alam ko na yun. Matagal na." Sabi ko naman. Ay grabe. Kapal talaga ng face ko ngayon.
"Y-yoong! Malapit ka na bang maging KPOP Idol?" Tanong niya. Yung boses niya parang walang emotion.
"H-hindi ko pa alam. Pinapunta kami dito sa Pilipinas para sulitin na namin. Kasi mahirap na pag naging Artists na kami." Sabi ko sa kanya.
"Y-yoona, sorry." Sabi ni Luhan. Tapos pagkatingin ko sa kanya. May bumagsak na luha.
Ugh. Luhan naman wag kang ganyan. Di ko tuloy matiis na di punasan yun. Kaya pinunasan ko.
"Sorry talaga." Sabi niya ulit. Di ko siya talaga maintindihan.
"Luhan, b-bakit ka ba nagsosorry? Tamong ako na nga yung malaki ang nagawa kong kasalanan sayo. Dapat ako ang humingin ng SORRY." Sabi ko sa kanya.
"Yoona, kasi nung nawala ka. Dami kong pinagtripan na babae. Nanloko. Pero nung nakita kita sa Magasin. Feeling ko iba na yung pagtingin ko sayo. Tapos simula nun sabi ko na sana bumalik ka." Sabi niya. Tss. Tinap ko yung likod niya.
"Luhan, galit ka pa ba sa akin?" Tanong ko.
"Oo. A-alam mo sa ginawa mo. Ang taas ng Pride ko. Feeling ko di ko kayang patawarin ka eh. Di ko kasi malimutan." Sabi niya. Na-down ang feeling ko sa sinabi niya. Mali na naman ang inakala ko.
"Pero Yoona, d-dahil mahal kita. Di ko na pinansin yun nangyari." Nabigla ako sa sinabi niya ah.
"L-luhan... I'm sorry. Dami kong dahilan kung bakit ako magsosorry. Sorry sa iniwan kita. Sorry kung may iba na akong gusto." Sabi ko sa kanya. Nag-sniff naman siya.
BINABASA MO ANG
Mysterious Life of Yoona (Completed)
Teen FictionDahil sa dreams ipinagpalit ang love. DREAMS OR LOVE? Pinili niya ang Dreams kaya pumunta siya ng South Korea. Binigyan siya ng one chance para bumalik sa Pilipinas. That chance, magiging back na nga ba ang LOVE nila?