HIGH SCHOOL LIFE
Highschool life, on my high school life
Ev'rymemory, kay ganda
Highschool days, oh my high school days
Areexciting, kay saya
Highschool life, ba't ang high school life
Ay walang kasing saya?
Bakit kung Graduation na'y
Luluha kang talaga?
Everytime na naririnig ko itong kantang 'to talagang hindi ko maiwasanang maiyak.
Just a year ago, I lost my very best friend. Naalala ko pa.
Alcaraz and Baltazar maghiwalay kayo. Hindi kayo pwedeng magkatabi ng upuan.Sabi sa amin ni Mrs. Reyes ang Math teacher namin na ubod ng sexy .Parang dalaga nga, hindi halatang tatlo na ang anak. Ibang klase rin ang ganda parang dyosa. Kaya kahit ang aga-aga dugo agad utak ko, compute dito compute doon, excited pa rin akong pumasok dahil kahit magkakadugo-dugo na ang utak ko ay napapaganda ni Mrs. Reyes ang aura ng aking umaga.
Lumipat na lang muna ako sa likod pansamantala pero pagtalikod ni Ma'am ay bumalik ako sa tabi ni Niño.
Go back to your seats. I told you maghiwalay kayo ng upuan. Bulyaw ng teacher kong sexy.
Tumawa muna kami ni Niño bago ako bumalik sa likod. Tuloy pa din si Ma'am sa pagsusulat ng formulas sa board at mga seatwork. Maya-maya ay pinagtripan ko si Niño at binato ng maliit na papel. Gumanti naman siya. Nagpalitan kami ng batuhan hanggang sa hindi namin napansin ang pagharap ni Ma'am at bahagya siyang natamaan.
Wala ng ibang tinitingnan ang aming mata kung hindi ang malaking orasan sa loob ng guidance. Mahigit isang oras na kami nakikinig sa sermon. Ang tagal naman mag bell para break time na. Sumasakit na ang tenga ko sa mga sinasabi nitong matandang dalaga naming guidance counselor. Makaraan ang dalawang minuto ay tumunog ang school bell.
Hay!Salamat, makakaalis na kami. Agad kaming lumabas ni Niño para pumunta ng canteen ng makita ko ang elementary boy na kung tawagin ng iba ay walking encyclopedia.
Nakaupo siya sa may mahabang bench sa labas ng canteen. Bahagya akong natawa ng matitigan ko siya.Nangingitim na ang batok sa katabaan at ang salamin. Daig pa yata ang lola ko sa kapal ng lens ng salamin niya. Lumabo na siguro kakabasa.
Umupo ako sa tabi niya at tinapik siya sa may likod. Bago ako tumayo ay binulungan ko pa siya,
Ang sipag hah. Sige pagpatuloy mo iyan.
Ngumiti lang siya. Pumasok na kami ni Niño sa canteen.
Wala pang limang minuto ay narinig kong nagtatawanan ang grupo nina Eugene. Ang grupo ng mga feeling gwapo. Ang iba rin ay narinig kong nagtawanan. Marahil nakita na nila ang papel na dinikit ko sa likod ng lalaki.
GEEK AKO...
OBVIOUS BA....
Napailing na lang si Niño. Ako naman ay napapangiti lang.
Natapos ang break time. May quiz pala kami sa Rizal na subject.Hindi pa naman ako nakapagbasa. Habang nag-aayos ng gamit si Ma'am Algora ang masungit naming teacher ay sinulat ni Niño ang buong huling chapter na napag- aralan namin sa maliit na papel at inipit sa panyo.
Pinagpapawisan ako habang nakatingin sa kanyang ginagawa. Mahirap na baka mahuli kami ni Ms. Tapia. Iyon ang bansag ko kay Ms. Algora. Ubod kasi ng sungit. Ilang sandali pa ay nag-simula ng idikit ni Ma'am Algora ang mga manila paper na naglalaman ng quiz namin.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin akong sagot. Panay ang punas ni Niño ng panyo. Maya-maya ay
Pare laway mo tulo na.
Sabi niya sabay abot ng
panyo.At doon ay biglang napuno ang aking papel. Matapos ang quiz na iyon ay para akong nabunutan ng tinik. Takot talaga ako dito kay Ma'am Algora.
Matagal na kaming mainit sa kanya.
Sayang naman kung isang taon na lang hindi pa namin matapos ang high school. Ayaw ko ng lumipat pa ng eskwelahan. Ayaw ko ng bumalik ng probinsya. Mula pa noon dito na ako nag-aral.
Ang daming tao sa canteen. Absent ang best friend kong si Niño. Sa classroom na lang ako kumain. Mabuti na lang kahit hindi ko kinakainay walang sawa si Manang sa paglalagay ng sandwhich sa bag ko.Feeling niya siguro ay bata pa ang alaga niya. Natatawa na lang ako maisip ko pa lang kung paano niya ako tratuhin pag kagaling eswela.Kaya lumaki akong spoiled sa kanya.
Sarap na sarap ako sa sandwhich.Nakaupo pa ako sa sahig ng classroom habang kumakain. Pagkatapos kong kainin ang sandwhich ay sinimulan ko namang kainin ang saging na pinabaon din ni Manang. Nang bigla akong nabilaukan.
Naihagis ko ang balat ng saging tamang-tama naman lumipad ang balat sa may pinto at nagkataong papasok ang adviser naming si Sir Blanco. Napahiga siya sapagkadulas at biglang natanggal ang buhok. Nakapeluka lang pala si sir kaya pala flat na flat sa ulo niya ang buhok.
Agad nagtawanan ang mga kaklase ko. Maging ako ay natawa rin. Dahan –dahan tumayo si sir at tumingin sa akin. Nang makita niya akong tumatawa ay agad siyang lumapit na nakaamba sa akin kaya agad akong tumakbo palabas.Tawa lang ako ng tawa habang papalabas ng classroom.
Ang mga sumunod na araw ay walang pinagkaiba wala kaming tigil sa pangungulit sa isa't-isa at sa iba pa naming classmates at schoolmates. Para bang kulang ang araw ko kung hindi ako nakakapang-asar. Hanggang asaran lang naman kami at gaya ng sabi ng iba maloko lang talaga pero hindi kami pumapasok sa gulo o rambol.
Minsan pauwi na ako, doon ako dumaan sa may likodng school malapit sa bahay ng janitor na si Kuya Nick. Para pagtaguan ang service ko.
Tahimik akong naglalakad ng isa-isang nag silabasan ang isang grupo na kung hindi ako nag kakamali ay mga grade 10 section eight. Isa-isa silang lumitaw mula sa pinagkukublihan.
Tiningnan ko ang bawat isa at ang isa ay may hawak na baseball bat.Matatalim na tingin ang binigay nila sa akin ngunit kahit ako'y maliit ay hindi nagpatinag sa kanila. Nag palitan kami ng suntok ng dalawa sa kanila. Maya-maya ay hinawakan nila ako at yung may hawak na baseball bat ay lumapit at tinitigan ako. Una ay sinuntok ako at maya-maya ay sinikmuraan ako. Ang mga sumunod ay pagpalo ng hindi kalakasan sa aking mga hita.
Lumaban ka gunggong.
Pero wala na yata akong lakas para lumaban pa. Nanlalabo na nga paningin ko dahil sa pagkakasuntok sa aking mga mata. Ang mga tuhod nanlalambot na dahil sa mga palo at bugbog. Kung hindi ako hawak ng dalawang lalaki malamang ay napahiga na ako.
Dahil sa hindi ako nagsasalita o umaalma ay para namang lalo siyang nainis. Iniamba ang hawak na baseball bat at nang ihahataw na niya sa aking mukha ay may biglang malaking kamay ang sumalag.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa isang iglap ay parang bulang nawala ang apat na lalaki. Mabilis pa sa alas kwatro ay nagtakbuhan palayo sa naturang lugar. Dahil sa pagbitiw sa akin ng dalawang lalaki naramdaman kong pabigay na ang aking tuhod ngunit maaagap akong nahawakan ng dalawang kamay. Bago ko pa mapagsino ay tuluyan na yata akong nakatulog sa sobrang hilo dahil sa mga suntok na tinamo ko.
BINABASA MO ANG
DIRE (matured Content)
Short StoryPAANO MO HAHARAPIN ANG BUKAS NA WALA NA SA TABI MO ANG PINAKAMAHALAGANG TAO SA BUHAY MO.... *warning some stories are rated spg Read at your own risk. (Compilation of short stories)