I'll be graduating two months from now. From the simple probinsyana girl. Ibang iba na ko factor na din siguro dahil may nagpapatibok ng puso ko.
Maybe some will say nagmatured na ko masyado pero ok lng masyado kasi ako noon mukhang bata para sa kanya. Ngayon bagay na bagay na kame.
Umalis na siya bilang part timer prof sa school at nag full time sa secondary school. Ayaw niya kasi magkaproblema ako lalo pa at graduating na ako. Isang oras nga lang ang byahe mula sa ka bahay niya. Minsan alam ko pagod na siya pero never siya nakakalimot kaya minsan nagdadahilan ako para hinde na niya ako sunduin o ilabas pa. Ok lang naman kasi minsan nagtataka na si kuya at nagtatanong. Madalas kasi ako gabihin o mag overnight sa kanila pero siyempre hinde ko sinasabi kay kuya. Di bale unti tiis n lang magkakakilala din sila.Papunta ako ngaun sa bahay niya. Gusto ko isurprise siya. Dumaan na ko ng food namen dahil para hinde maubos oras sa pagluto dinner. I have my own keys naman pero bago pa ko bumaba ng taxi may namataan akong matangkad na babae na lumabas galing sa bahay niya at nang buksan niya ang gate ay lumingon agad ang babae at ngumiti.
Hinde ko maintindihan pero parang biglang namamanhid ang mga kamay ko at hinde ako makahinga. Ayaw ko man pangunahan pero sari sari na ang mga naisip ko.
Namataan kong inabot niya ang bag sa babae. Hinde ko alam kung hinde siya pumasok o kakadating lang niya dahil buong araw ako di nagparamdam sa kanya kaya gusto ko sana siya surpresahin pero kanina umaga ang sabi nya ay pumasok siya sa eskwelahan para magbigay ng quiz sa mga tinuturuan niya. Bakit ang aga naman niya nasa bahay at ganyan pa ang aabutan ko. Bagong paligo ba siya o ano. Ayaw kong mag- isip ng masama. Pagkakuha ng babae sa bag ay agad siya nitong kinabig para halikan sa lips. Ngayon hinde na ko assuming. At naintindihan ko na si tita sa pagiging martir niya kay Papa dahil imbis na paalisin ang taxi nanuod lang ako. Bahagya siyang tinulak ni Peter. Ngumiti lang ang babae at sumakay sa kotse niyang pula. Nakita kong umiling lang siya. Pumasok na sa loob. Bumaba ako sa taxi. Dinagdagan ko na lang bayad ko. Walang luha ang tumulo sa akin pero ramdam ko panginginig ko. Galit.. Sakit.. Lungkot.. Halo halo ang naramdaman ko. Agad ko kinuha amg cellphone ko at tinext siya kung nasaan na siya. Sampung minuto pa bgo ang labasan nila sa eskwela kaya maaring hinde siya pumasok o maaga siya umuwi na kahit kelan hinde niya ginawa para sa akin. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong siya ang nagtext... Huminga ako ng malalim bago buksan
"Hi hon.. Kanina pa ko umuwi. Nag under time ako may inasikaso lang. Ikaw kamusta ang araw mo? Kailan tayo magkikita? May gusto ko sabihin sayo"
Napalunok ako at di napigilan tumulo ang mga luha ko. Nagsimulang manginig ng mga kamay ko at hinde ako makahinga.
Pinilit ko kumalma at nagreply sa huling mensahe niya.
Andito na ko sa gate
Kailangan ko harapin at tanggapin kung ano man ang sasabihin at desisyon niya. Hinde ako mag mamakaawa o aasa tulad ng ginawa ko ke Mama.
Binuksan niya agad ang pinto. Dali dali kong inayos ang sarili ko at pagbukas niya ng gate ay
Kanina kapa ba? Wala ba ang susi mo ba't di ka pumasok?
Sunod sunod na tanong niya.
Inabot ko lang ang dala kong pagkain
at sinabi kong kumain na kame.Alam kong napansin nya ang mata ko na kakagaling lng sa iyak pero hinde siya nagtanong.
Kumain lang ako ng kumain at nagpapasalamat ako na tahimik lang siya. Ayaw ko makarinig o ayaw ko marinig ang ano mang sasabihin niya. Sinabi ko kelangan kong tanggapin pero bakit parang di ko kaya. Pagkatapos kong kumain agad kong niligpit ang pinagkainan namen. Nararamdaman kong tutulo na ang mga luha ko at ayaw kong makita niya iyon. Nasa may lababo na ko ng maramdaman kong yumakap siya sa bewang mula sa likod ko
Ako na hon. Magpahinga ka na. We'll talk later. I know you're tired.
Hinde ko na napigilan ang sarili ko. Kinalas ko ang pagkakayakap niya at humarap sa kanya.
Later? Bakit hinde pa ngayon? Kaya nga kumain na ko ng marame kasi pakiramdam ko bibitayin na ko..
Mahal kita. Mahal na mahal pero hinde ako magmamakaawa sayo na huwag mo akong iwan.At tuloy tuloy na pagbuhos ng luha ko. Agad niya akong niyakap ng mas mahigpit.
"Nung sinabi mong nasa gate ka na at hinde ka pumasok agad tulad ng nkagawian. Naisip kong nakita mo siya. Hon, please forgive me kung hinde ko agad sinabi sayo."
So kelan pa?
"What do you mean kelan pa?"
"Since when are you cheating on me? Or baka nga since when are you cheating on her" napataas na ang boses ko.
"What? No it's not that. I am saying sorry for not telling you na not so long ago my father wanted me to marry Hanah Sia. She's my childhood best friend. Kaya nga umalis ako sa amin at inalagaan ako ng pamilya nun kaschoolmate ko noon. They were not in favor sa mga fixed marriages kaya tinulungan nila ko. I was a working student then dahil nahihiya ako sa kanila tama na yung pinatira nila ako at tinulungan. Pero dahil sa utang na loob sa pamilya nila may naging kapalit na halos sumira ng buhay ko kaya naman umalis din ako. Lumayo gang sa makatapos.Bumalik ako sa amin when my father died but lahat sila ako sinisise to forgive me kelangan ko ituloy yung kasal. Umalis ako at nagsimulang mamamuhay mag isa. Nagulat na lang ako kanina ng pinuntahan ako ng kaanak ko sa school. Napilitan ako mag undertime para sana makapag usap kame. Nagulat ako ng dito ang naging destinasyon namen. Pinapasok ko sila at maya maya dumating si Hanah at umalis na sila. At alam kong nakita mo siya." mahabang kwento niya.
Wala akong imik. Lumakad ako at umupo sa may sofa nya.
"Hon, please listen. Ikaw ang mahal ko at hinde ko siya papakasalan. "
Nakatingin lang ako sa center table sa harap ko. Lumuhod xa at hinawakan ang mga kamay ko. Inangat ang mukha ko at dahan dahang nilapit ang mukha.
"Hon, please ikaw lang. I love you."
sabi niya.Hinagkan niya ako sa labi at niyakap ng mahigpit. Muli napaiyak ako at yumakap din sa kanya. Hinde ko alam kung gaano kame katagal pagkayakap.The scenario was somehow nostalgic. Ganito din un ngyare nun pero magkaiba ang rason.
Tahimik kame magkayakap na nanunuod. Wala ng nagsalita sa amin matapos ng matagal na yakapan.
" I'll use the bathroom. Gusto ko ng magpahinga" sabi ko. Agad naman siyang kumalas ng yakap.
*photocreds
BINABASA MO ANG
DIRE (matured Content)
Historia CortaPAANO MO HAHARAPIN ANG BUKAS NA WALA NA SA TABI MO ANG PINAKAMAHALAGANG TAO SA BUHAY MO.... *warning some stories are rated spg Read at your own risk. (Compilation of short stories)