Ang Pagtatapos?

254 11 0
                                    

December 2008

Ito na yata ang pinakamasayang buwan sa aking buhay makalipas ang mahabang panahon.

Dahil muli naranasan ko ang umibig at ibigin... palagi kong dasal na kung maari lamang sana hindi na ito magwakas.

Naging mas matibay kami ni Ryan, mas lalo ko pang naramdaman ang kanyang pag-ibig... lalo na nga noong naging kami na officially (December 5, 2008).

Naging  masaya ang aming pasko... natapos nga namin ang simbang gabi, kalabisan man at alam ko naman bawal pero sinubukan kong hilingin na ang pagmamahalan namin ni Ryan ay pang habang buhay. Isang masayang bagong taon ang sumunod, nasa Cavite kami noon sa aming bahay, noon pasko kasi ako naman ang nasa kanilang tahanan.

Hindi man namin masabi sa aming mga pamilya ang kung anong namamagitan sa amin, masaya na rin ako dahil maroon ang katiyakan sa aking puso na mahal ako ni Ryan... at labis ko syang minahal ng dahil doon.

Mas lalo pa nyang pinaghusay ang kanyang pag-aaral, na lalo ko naman ikinatuwa. Hindi rin ako nakakita ng pagbabago o pagmamalabis ni Ryan sa ano mang mga bagay. Kaya masasabi kong maayos ang lahat, ang lahat lahat, hanggang...


February 14, 2009 7:00PM

Oras ng tagpuan namin ni Ryan para sa isang Valentine's date... pero mag-iisang oras na akong naghihintay ay wala pa sya. Ala-singko pa kami ng huling mag usap sa phone na makakarating sya, mayroon lamang daw silang bisita sa bahay nila galing probinsya. Ilang ulit ko syang sinubukang muling tawagan subalit walang sumasagot.

Naiinip man ay naghintay pa rin ako, walang agam-agam dahil ngayon lang naman nahuli si Ryan sa date namin... mas madalas ngang nauuna pa sya sa akin sa mga nakaraang date namin. Pero dahil nga Valentine 's Day, espesyal. Sana nga maaga sya dumating dahil manunuod pa kami ng sine pagkatapos ng dinner.

8:30 na ay wala pa s'ya, nag pasya na lang ako pabalot ang mga na order kong pagkain, nang hihinayang man wala naman ako magagawa pinilit ko nalang sa aking sarili na intindihin ang kung ano mang dahilan meron s'ya kung sakaling magkita kami ngayon gabi. Marami mang bakit, pero hindi ko hinayaang magalit...baka nga kasi may dahilan.

Papalabas na ako ng restaurant ng makatanggap ako ng tawag mula kay Ryan:

"Bings sorry, nasa taxi na ako malapit na ako sa G5"

"No problem Bongs, pero lumabas na ako ng resto... sa simbahan ka nalang tumuloy, hintayin kita doon" hindi ko pinahalata ang kunting tampo, dahil kahit papaano'y darating sya. May Valentines date naman ako kahit papaano...

"sige Bings sorry talaga... I Love You!"

"I Love You Too!

Papunta ako ng Greenbelt Church, ay medyo lito ako... dahil ramdam kong tila may problema si Ryan. Dahil parang walang sigla ang kanyang boses sa phone. Kinabahan man ay di ko nalang pinansin. Darating naman s'ya at mapaguusapan din naman namin marahil kung mayroon man.

Mga ilang sadali pa ay napansin ko s'yang paparating, nasa may simbahan na ako noon nakaupo sa dulong bahagi ng simbahan. May mga pa ilan-ilang mga taong naroroon para marahil mag dasal o tulad ko ring may hinihintay.

Lumapit s'ya sa aking kinaruruonan, tumabi sa aking kinauupuan... walang imik. Pansin kong mugto ang kanyang mata, tila galling lamang sa pag-iyak.

"Bakit?" ang aking lamang natanong na halos pabulong...

Bumaling s'ya ng tingin sa akin, nakatitig lamang... maya-maya pa'y may mumunting luhang pumatak sa kanyang mga mata na akin namang labis na ikinagulat.

BeerDeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon