Lunes ng Gabi...

215 8 2
                                    

Naging masaya naman ang muli naming pagsasama ni Ryan, hindi na nga lang kami mag kasama sa iisang flat. Dumadalaw na lamang s’ya sa akin t’wing Lunes ng gabi at Martes na ng hapon ang kanyang uwi. Dahil iyon ang kanyang day-off.

Nag paalam narin ako kay Jhomma, at natanggap naman n’ya dahil sa simula pa naman ay alam n’yang mahal ko pa rin si Ryan.

Maayos na sana ang lahat, ang kami ni Ryan, subalit tunay ngang walang lihim na di nabubunyag…

ISANG umaga sa school kung saan ako nagtuturo ay dumalaw ang ang tita ni Ryan, gulat ma’y hinarap ko s’ya ng maayos.

Nakiusap s’ya sa akin na tigilan ko na daw si Ryan at kalimutan…

"Nangako si Ryan sa asawa n'ya na di na muling makikipag kita sayo dito sa UAE, kaya s'ya pinayagan at kaya ako pumayag na muli s'yang kunin upang magtranaho dito..." mahabang litanya ng tita ni Ryan, habang papunta kami sa staff lounge.

Nag ganap na kaming nasa staff lounge at nakaupo sa may dulong bahaging lamesa at doon lamang ako nakahagilap ng isasagot.

“Pinilit ko po s’yang kinalimutan, pero muli s’yang bumalik...”

“at tinanggap mo naman... Felmo edukado kang tao... nasa Middle East ka at alam mong bawal dito ang kung ano mang relasyon meron kayo ni Ryan... dapat naisip mo ‘yon!”

“pero nag-mamahalan po kami ni Ryan...”

“punyetang pag-mamahal yan...” tila tumaas ng bahagya ang boses ng tita ni Ryan, subalit pigil pa rin dahil ng may ilang tao sa loob ng lounge isa iyo sa aking pinag papasalamat dahil kahit sa alam kong may galit sa kanyang puso at alam kong kaya n’ya akong hiyain pero di n’ya ginawa.

“Tita...”

“hindi kita pamangkin, at hindi kita matatanggap alam mo yan. Kung di lang nakiusap sa akin si Ryan na wag kitang guluhin at s’ya na lamang ang kakausap sayo...”

“mahal ko po si Ryan!” di ko napigilan ang luha ko na unti-unting gumuhit sa akin pisngi

“Felmo, inamin na ni Ryan sa akin ang lahat at alam kong totoong minahal ka n’ya... pero iba na ngayon ang sitwasyon... dapat matanggap na natin na may-asawa’t anak na si Ryan... at buntis pa ngayon ang asawa n’ya sa ikalawa nilang anak...”

Hindi ko alam ang aking gagawin, ni hindi pinaalam ni Ryan sa akin ang totoo... na buntis pala ang asawa n’ya. Labag man sa akin kaluoban ay mas nanaisin ko na lamang magpalaya...

“makikipaghiwalay na po ako kay Ryan!” ang salitang aking nabanggit... iyon na lamang ang tangi kong alam na sabihin upang matigil na ang pag-uusap namin ng tita ni Ryan.

“aasahan ko ‘yan Felmo, dahil kung hindi mo ‘yan tutuparin... i-rereport kita sa management ng school, alam mo namang mahigpit na pinagbabawal ang relasyong lalaki sa lalaki!”

“makakaasa po kayo...” aking paniniyak, kahit pa pinipigilan ako ng aking puso.

“Felmo, wag mo sanang isiping naging masama ako sayo... nais ko lang namang maisaayos ang buhay ng pamangkin ko...”

Mas pinili ko na lamang na wag ng sumagot. Tumayo na rin ang tita ni Ryan, at tuluyang umalis ng school. Ako nanatiling nakaupo sa aking kinalalagyan, kapiling ang bigat ng puso... ng damdaming nasaktan.

Hindi ko na inalam kung saan at paano nalaman ng tita ni Ryan ang muli naming relasyon… pero marahil nga ay tama s’ya… pero paano ang aking pag-ibig?

BeerDeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon