January 15, 2010 4:00PM
Naiinip ako't walang magawa... binuksan ko ang FB, ilang buwan ko rin itong di nabuksan mula ng mag-resign ako sa aking pinapasukang school. Nag resign ako hindi dahil sa ayaw ko ng magturo, kungdi dahil sa mga ala-ala ng paaralan kung saan ko nakilala si Ryan.
Nakalog-on na ako't sinubukan kong I turn-on ang chat... nang biglang may na receive akong chat message:
"musta po pareng sir?"
Matagal kong tinitigan ang monitor ng laptop, nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba ang nag-message o hindi, kung mag lalog-off naman ako baka makahalatang iniiwasan ko sya.
"buti naman..." ang akin nalang naging sagot
"naku sir, pumunta po kami ng inaanak mo nung December sa scul... sabi kasi ni Ryan dalawin ka namin ni baby para kamustahin... pero resign ka na pala"
"ah, eh... oo"
"nasa Cebu branch ka daw lipat... layo ah, laki na pala ni baby... gumagapang na po..."
"okie... parang kailan lang karga ko s'ya noong bininyagan"
"si Ryan po pala nasa Dubai na noong November pa po... kinuha ng tita nya para doon na lang po work"
"ganun ba?"
"opo... kaya nasa Batangas po ako ngayon sa bahay namin, dito po muna kami ni baby... para matulungan din ako ni nanay sa pag-aalaga ng bata"
"okie..."
"Hindi na po naka pag-paalam si Ryan sa inyo... tinatawagan po namin kayo pero iba na po ata number nyo"
"oo eh... nagpalit na rin kasi ako ng number... nasira kasi ang phone ko't sim... balak ko nga rin sana dumalaw sa inyo pero biglaan kasi ang lipat ko"
"ganun po ba? eh pareng sir, kayo po ba may asawa na :)"
"ako? Ha... wala pa, walang magkamali..."
"hahahaha... darating din po yan..."
"sana... :)"
"sasabihin ko po kay Ryan na nagkausap po tayo... buti naman po naka pag-online kayo..."
"busy... kaya bihira lang... kamusta mo rin ako sa kanya..."
"okie po... hintay ko nga po s'yang mag-online... usually ganitong oras po kami chat... pero naka tulog ata"
"okie... "
"kalian po kayo dalaw sa Manila?, baka po March na sa bahay muna ako nila Ryan... gusto po daw kasing makita nang lola Caroll nya si baby"
"ganun ba... kung makakaluwas ako dadalaw ako..."
"sige pareng sir... para makita mo ulit si baby... Ryan na Ryan po ang mukha... hahahah"
"sige..."
"tag ko po sayo mga pic ni baby..."
"okie, thanks!"
------------
Bumukas ang pinto ng flat, na nagpahinto sa aking ginagawa...
"Bings... meryenda na tayo, bumili ako ng shawarma at labna..."
------------
"pareng sir na tag na po kita..."
"Rachel, gtg na may gagawin lang ako... thanks sa tag"
"K po! Ingatz..."
At nag log-out na ako sa FB't pinatay na rin ang laptop.
------------
"Bings..."
"Bongs sandali, sunod na ako!"
January 15, 2010 5:00PM
Masaya kaming kumakain ng meryenda ni Ryan... subalit pag naaalala ko si Rachel, hindi ko alam kong ma qui-guilty ba ako o ano. Dahil habang nag-iisa sya sa Pilipinas... eto kami ni Ryan malayang nagagawa ang bawat namin nais dito sa UAE!
TAMPISAW
Hatakin natin ang gabi
Upang sa dilim tayo ay makakubli.
wag nating hayaang mamalas ang buwan
upang ang kasarinlan ay ating matikman.
Kinang ng bituin man
ay di makakahadlang
sa ating pakikipagniig...
sa ating pakikipagtalik...
sa hangin ng pakikibaka,
sa hamog ng pag-aalinlangan.
Hayaan mong
ang mga labi ko
ang maging tawiran
ng iyong hininga
na di binigyang laya
ng sanlibutang nagtatwa
na sa atin din ay lumikha...
Ang bawat along hahampas
sa ating katawan
ang s'yang papawi
sa uhaw...
sa pagnanasa...
sa pangangailangan...
ng ikaw at ako
para sa isang paglaya
mula sa lipunang
di tinatanggap
ang kung ano ang nasa ating puso...
ang nasa ating kaluluwa!
Hakbang pa...
hanggang mabalot ang buo nating katawan
ng tubig alat
na magkukubli sa ating kahubdan
upang muli tayo ay mahugasan
para sa sandaling
magbalik ang haring araw
tayo muli'y maging malinis
sa mga taong
tunay na nagmamay-ari
ng aba nating
Katauhan!
"Bakit dito sa Middle East, parang ang lapit ng langit... ang lapit ng mga bituin." -Ryan-
BINABASA MO ANG
BeerDei
Kısa HikayeHindi mahalaga kung sino ang una, kung sino ang huli... Hindi rin mahalaga kung sino ang tumagal o kung sino ang saglit lang... Ang Mahalaga ay kung sino ang "Tunay na Minahal"! Subalit kanino nga ba nararapat ang isang Tunay na Pag-ibig... Sa Nabuo...