Bibingka't Puto bungbong

323 8 0
                                    

Hindi ko na marahil malilimutan sa tanang buhay ko ang petsang June 5-6, 2008...

Matapos na may maganap sa amin ni Ryan ay hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa kanya. Wala kaming naging usapan matapos niyang umalis sa bahay ng umaga ng June 6.

Tila sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari subalit sa kabilang banda ay naroon ang saya... hindi dahil sa isang gabi ng pagniniig kundi sa isang damdaming alam ko sa aking sarili na muli na naman umusbong ng dahil kay Ryan.

ARAW ng klase na ng muli kaming nagkita... simpleng batian lamang ang naganap, di ko maipaliwanag subalit binabalot ako ng kaba sat'wing makikita ko sya sa school.

Lumipas ang ilang mga buwan... hindi nagbago ng pakikitungo sa akin ni Ryan, may makailang ulit na ring may naganap sa amin. Tuwing may pagkakataon ay sa bahay sya natutulog, at muli't-muli ay nagaganap ang hindi dapat... subalit dahil sa tawag ng laman, ng Pag-ibig? Nagyayari

Makailang ulit kong tinanong ang aking sarili kung mahal nya kaya ako... pero hindi ko ito maitanong sa kanya... Masaya kaming magkasama, sa school naman magalang sya at umaakto lamang ng tama bilang estudyante at ako naman para sa kanya ay kanyang guro. Pero kung kami lamang dalawa, buong kabahayan ko ang saksi sa bawat pagtatalik na animo'y wala ng bukas. At lubusan na ngang nahulog ang aking loob kay Ryan, dahil sa kangyang mga pinapakitang kabutihan at bukod pa doon ang hindi niya pagsasamantala sa kung ano ako, kung ano ang namamagitan sa amin.

December 5, 2008 5:30PM

Kakauwi ko lamang sa bahay galing sa school, nagbibihis ako ng aking pangbahay ng may kumatok sa pinto. Dali-dali akong bumaba matapos maisuot ang aking damit. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa aking harapan si Ryan... nakangiti...

"papapasukin mo ba ako, o tititigan mo lang ako?"

"pasok" ang aking nasabi mula sa pagkatulala... dahil di ko naman inasahan na pupunta sya ng araw na iyon

" para ka naman nakakita ng multo"

"hindi naman, akala ko ba may pupuntahan ka ngayon?" nakapasok na sya't aking pinaupo sa sofa...

"oo, dito sayo... ay ibibigay to..." sabay na inabot ang tatlong puting rosas na nakasilid sa isang blue plastic box

Hindi ako makahagilap ng sasabihin, dahil hindi ko naman inasahan ang ganitong pangyayari... at bakit? At para saan?

"ayaw mo ba?" ang kanyang tanong ng nakatinging lamang ako sa kanya...

"para saan naman to?" inabot ko ang bulaklak at mas lalo pa akong napatitig sa kanya dahil naghahap ako ng kasagutan kung bakit?

"mangliligaw ako" ang kanyang sagot na nakangiti.

"mangliligaw?"

"oo...  diba ako nag lalaki sabi mo... kaya naisip ko ako ang dapat mang ligaw"

"Ryan... wag mo nga akong biruin"

"hindi kaya kita binibiro... six months na tayong ganito... pero hindi ko naman alam kong ano tayo, kaya ako na ang mangliligaw... pwede ba?"

Lumapit ako kay Ryan at niyakap siya ng kay higpit... lumuha ako dahil hindi ko inasahan ang bagay na ito, ganito pala ang damdamin ng isang sinusuyo... ng pinahahalagahan... ng isang babae?

"I LOVE YOU, Sir Felmo" bulong nya sa aking habang kami ay magkayakap...

"kaasar ka.... Sir Felmo ka dyan..." Kumalas ako sa pagkakayakap at marahan siyang hinampas sa balikat...

"I LOVE YOU Fel..." ang kanyang muling sinabi... iyon ang tawagan namin kung kami lang Fel ang tawag nya sa akin... Rai naman ang tawag ko sa kanya...

BeerDeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon