Chapter #6 - New friend
Elisse's POV
Chillin like a boss. Kanina pa ako dito naka-upo, tinatamad kasi ako... Isasama nanaman daw ako ni Ate Michelle sa isang killing mission. Boring naman dun, papatay lang ng ibang Mafia Org. Buti ba kung kasama ang mga Lewis sasama ako. Teka, ako nga pala si Elisse Schimmer. Michelle naman ang pangalan ng kapatid ko. Together pinapamunuan namin ang Mafia namin, namatay kasi ang parents namin because of them. Yeah that Lewis mafia. Siyempre papayag ba kami ng ganun nalang? Siyempre, pinatay din namin ang mga mahal nila sa buhay, kala namin matitinag namin sila pero hindi pala. Sila ang pinakamalakas sa lahat ng Underground Org. Sa lahat kalaban namin sila, mapa-illegal o legal sila ang pinaka-mataas. Nakaka-asar! Kaya kahit hindi na dapat ako mainis dahil nakaganti na ako sa kanila ay lalo pang nadag-dagan ang inis ko. Kaya nga pag may nalaman akong about sa kanila or kung may part sa kanilang Mafia ay pinapatay ko ka-agad. Hindi ako ganun ka brutal, naiinis lang talaga.
"Pinapatawag na po kayo." sabi ng isa sa mga Mafiaguard. Kahit dito ba susundan padin nila ako? Tss! Damn you ate!
"Ayoko." simpleng sagot ko. Kasi naman eh, nandito lang naman ako para mag-relax tapos pinapasundan padin ako? Tss!
"Pinapasabi po ni Ma'am na pag hindi daw kayo pumayag ay gagamit daw kami ng pwersa." sabi nung isa. Pwersa? Tss! Gusto niyo pag-buhul-buhulin ko kayo? Isama niyo pa si ate eh!
"Ayoko." sagot ko. Napa-kunot naman sila ng noo.
Bigla naman silang lumapit sakin at hinawakan ako. Naka-upo padin ako at nag-lalaro ng Flappy Bird. Pag ako na-taya dito patay to saking mga to.
*Wenk
*Wenk
*Wenk
*Tungk
Waaaaaaaaaaa! Nataya akooooo! 3 na yung score ko eh!
Tatayo na sana ako para turuan sila ng leksiyon pero biglang may nag-salitang lalaki.
"Pre, nasasaktan yung babae, baka gusto niyong itigil yan?" sabi niya na parang naghahamon. Sumulyap ako ng konti para makita siya at laking gulat ko nung makita ko siya. I thought isang prinsipe ang nakita ko, naka-simpleng black suit siya. Ang tangos ng ilong at ang pogi niya. Kung ganto ba lagi ang mag-liligtas sakin ay mag-papanggap akong nasasaktan. *smile*
"IKAW NANAMAN!" sigaw nung mafiaguard na inutusan ni Ate. Wtf?
Bigla nilang tinanggal ang mga kamay nila na nakakapit sakin at dali-daling tumakbo. Teka, natakot ba sila dito sa kaharap ko? Eh ang pogi pogi kaya niya! Agad akong tumingin sa kanya na mukang nag-tataka din kung bakit tumakbo yung mga yun. Bigla naman siyang tumingin sakin na nakakatunaw. Gosh!
"Okay ka lang, Miss?" tanong niya. Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya.
"Okay lang, salamat ha? :)" sabi ko tapos ngumiti ulit, ngiting masaya. Nakita ko namang iniwas niya yung tingin niya sakin.
"Walang anuman, sige Ate. :)" sabi niya. Tinanggal ko ang salamin ko para lalo ko siyang makita.
"I'm Elisse. :)" pag-papakilala ko tapos inabot ko ang aking kamay. Nginitian ko siya, ganun din naman ngumiti din siya sakin. Mas pogi pa pala siya pag naka-ngiti.
"Red.. Red Crawford. :)" sabi niya. So Red pala ang pangalan niya... I'm Yellow, bagay kami. Lol, stop daydreaming Elisse. Tss -_-
"So, pano? Sa susunod nalang ulit may trabaho pa kasi ako mamaya." sabi niya tapos bumitaw sa hawak. Trabaho? Mukang kae-daran ko palang siya ah?