Chapter #7 - Suzuran High (Part 1)

75 2 0
                                    

Chapter #7 - Suzuran High (Part 1)

Red's POV

Naka-lipas ang dalawang araw at nag-re-ready na kami. Nung sabado ay nalaman kong kasama din si Mika na mag-re-represent sa school nila kaya mag-ki-kita kami. Oo nga pala, naging iba na ang turingan naming dalawa. Naging close narin kami sa loob lamang ng dalawang araw ay iba na ang naging pakikitungo sa isa't isa. Ganun paman kahit iba na ang turingan namin ay hindi ibig-sabihin ay nag-mu-muni muni na ako sa pagta-trabaho. Nag-kakatuwaan kami pero bilang boss parin ang pakiki-tungo ko sa kanya.

Papunta na kami ngayon ni Julia kung saan mag-me-meet lahat ng kasali. Oo, kasama ko si Julia. Hindi na ako nag-da-drama tulad ng dati, isang kaibigan nalang ang turing ko sa kanya. Niyaya kami ni Mika kaso alam kong ayaw ni Julia kaya tinaggihan ko nalang. Kahit naman dinurog ni Julia ang puso ko ay hindi ibigsabihin ay hindi na dapaw ako mag-care sa kanya, malaki parin ang utang na loob ko sa kanila ni Tita Marj at tatanawin ko itong utang na loob habang buhay.

"Para po Manong!" sigaw ni Julia at tumigil naman ang jeep. Bigla namang bumalik ang diwa ko nung marinig ang boses niya.

Dinala ko ang gamit naming dalawa at nakita ko sila Patrick, Siegfred, Rhemar, Sofia at Mika na nag-hihintay kasama ang mga taga ibang school.

Agad naman akong dumeretso at nakipag-apir sa mga tropa ko. Nakita ko naman si Sofia at binati ako. Binati ko din siya at ti-nap ang kanyang ulo. Nakita ko naman si Mika na mukang na-mo-mroblema kaya agad ko siyang pinuntahan at pinitik sa noo.

"Araaaay!" reklamo niya. Agad naman akong napa-ngiti at tinabihan siya.

"Yung muka mo kasi, ano bang problema?" tanong ko. Napatingin siya sakin at napa-iling-iling. Ngek? Anong problema neto?

"Nakalimutan ko kasi yung pony ko eh..." parang batang nag-tatampo niyang sabi. Napa-buntong hininga naman ako at napa-tawa bigla. Naiwan lang yung pony halos mabadtrip na.

"Hahahahahaha! Okay lang yun, di mo na kailangan nun. May pony diyan bibilhan nalang kita." sabi ko sa kanya. Napa-iling naman siya at napahawak sa muka.

"Binili mo yun sakin eh!" sabi niya na parang batang nag-tatampo. 

"Edi bibili kita ulit!" sabi ko. Napa-iling naman siya at napa-pout. Nakuu! Kung hindi lang to cute!

"A-YO-KO gusto ko nun." simpleng sabi niya habang tinatawagan si Eddie.

"Waaaaa! Pati ba naman siya naka-off yung phone?! Lahat sila ti-nry kong tawagan pero lahat sila naka-off!" galit na sabi niya. Agad naman akong natawa sa sinabi niya.

"Hahahahaha! Okay lang yan! 3 days lang naman tayo eh!" sabi ko sa kanya. Agad naman siyang napa-sandal sa balikat ko, kaya naman pinag-tinginan kami ng ibang tao dun.

"Pinag-titinginan tayo." bulong ko sa kanya habang nakasandal padin siya sakin. Kanina pa kasi kami nag-hihintay nung mga prof na dadating.

"Okay lang, bakit ayaw mo ba? Cute naman ako ah!" sabi niya ng pasigaw kaya naman pinag-tinginan kami ulit. Napangiti nalang ako sa sinabi niya at nakisama nalang sa kanya. Hay, parang bata talaga tong boss ko. -_-

Maya-maya'y biglang napa-seryoso si Mika at tumayo.

"May titignan lang ako, dito ka lang." seryosong sabi niya. Tumango nalang ako at sinundan ko siya ng tingin.

--

Mika's POV

Kanina ko pa nakikita ang isang naka-red suit na lalaki at halatang sinusundan ako. Nag-paalam ako kay Red dahil baka sundan ako nito ay makita ang gagawin ko sa lalaking sumusunod sakin.

She's the Boss (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon