Chapter #5 -
Red's POV
Nakaka-excite naman, unang araw palang ang dami na agad challenge. Gaya kanina, may kaaway agad kanina, sarap sa feelings na napro-tektahan ko si Ma'am Mika, natupad agad. Pero hindi pa dapat ako mag-pakasaya dahil marami pang dadating na problema.
"Eto yung susi." sabi ni Ma'am sabay abot ng susi ng.... Lambo? Bakit kaya? Papa-gas-an ko siguro.
"Sige Ma'am! Papa-gas-an ko lang." sabi ko. Kumunot naman ang noo niya at may ibinato pang envelope. Pag-tingin ko sa envelope ay may libo-libong pera. 1...2...3..4...5...10k? Para saan naman to?
"Para saan to Ma'am? Pang-gas?" sabi ko kay Ma'am. Napa-sampal naman siya sa muka niya. Hmmm, siguro problemado tong si Ma'am.
"Sayo yan! Sahod mo yan! Tsaka yung kotse sayo na yan!" sabi ni Ma'am sabay tumalikod. Sakin na to? WOW! Yung kotse sakin na din? WOOOOW! Kahit pala medyo suplada si Ma'am mabait din.
Umalis na ako at nag-pasya ng umuwi. Hindi ko na sinama yung sasakyan sakin dahil ayoko din namang tanggapin, sapat na sakin tong pera pang-tulong lang kila Tita at pang-libre sa tropa.
Pag-uwi ko ay saktong nakita ko si Tita na nag-hahain na ng pag-kain, napangiti naman ako dahil nakita ko si Julia na kumukuha nadin ng plato, ang cute talaga neto. Ano kayang magandang regalo? Hehehe.
"Tita!" tawag ko kay Tita. Napatingin naman siya saakin, pati narin si Bab-- Julia. Hehehe.
"O musta bagong trabah-- ANONG NANGYARI SA LABI MO?!" galit na tanong ni Tita. Ay hindi ko pa pala sinasabi.
"Bodyguard ako Tita, eh may mga kidnapper kanina kaya ayun napa-away po." sabi ko kay Tita. Napa-tango naman siya, sabi niya kahit ano daw gawin ko basta wag lang ako makipag-away.
"Hmmm ganun ba? Osige umupo kana." sabi ni Tita. Hindi muna ako umupo, inabot ko kay Tita yung sobre na may laman na 25k. Kinuha ko yung 5k para pang-libre sa mga mokong.
"Ang laki namang halaga neto Red! Saan mo ito nakuha?" tanong ni Tita habang binibilang.
"Swelto ko po Tita." sabi ko kay tita saka ako umupo.
"Salamat Ijo, may tinira kaba sa sarili mo? Eto oh." sabi ni Tita sabay abot ng 20k.
"Meron na Tita! Okay na po, sainyo nayan. Para kahit naman papano makatulong po ako sa inyo." sabi ko kay Tita. Napa-tango naman siya at pi-nat ang ulo ko.
Nag-simula na kaming kumain tinitignan ko naman si Julia habang kami ay kumakain, ano kayang pwede ibili sa kanya? Hmmm, matanong nalang mamaya.
Maya-maya'y pumunta ako sa kwarto ni Julia.
Tok.Tok.Tok
"Pasok..." sabi ni Julia. Inayos ko muna ang aking damit at agad ring pumasok. Siyempre kailangang ayusin para pogi :D
"Oh, ano yun?" tanong niya. Hindi niya ba tatanungin kung san nang-galing yung sugat ko?
"Ah-eh... wala lang." sabi ko sabay tumalikod. Hmmmm, wag ka na kasing umasa Red... muka kang toothpick eh.
Lalabas na sana ulit ako ng bigla niya akong tinawag.
"Uy!" tawag niya. Hindi muna ako lumingon at tinanong ko kung bakit. "Bakit?" agad naman siyang nag-salita kung bakit. "D-dito ka muna..." sabi niya. Napangiti naman ako at gusto kong mag-sisigaw. Tinaggal ko ka-agad ang aking ngiti at umupo sa kanyang kama.