Chapter #15 - Mika's Confession
Red's POV
"Araaaaaaaaaaaaay! Kuya Arnoooold! Reeeeeeeeed!" sigaw ni Patrick. Nagising kasi si Mokong habang ginagamot namin ni Kuya Arnold eh. Buti nalang hindi masyadong malalim yung sugat kung hindi iiyak na to.
"Ikaw kasi eh, ba't kaba nasaksak?" tanong ni Kuya Arnold habang nililinis yung sugat.
"Tinulungan ko kasi yung matanda, bigla kasing hinablot yung bag..." sabi ni Patrick. Kung makikita niyo muka ni Patrick ngayon siguro maiihi kayo sa kakatawa. (O_-) nakamulat yung isang mata samantalang naka-pikit yung isa.
"Eh, bat mo kasama si Elisse?" tanong ko kay Patrick tapos tinapalan ko nadin yung sugat.
"Date ko yun pre," sabi niya sakin tapos biglang lumiwanag ang muka niya. Hays, ganto pala maidudulot ng saksak, nangangarap bigla. Parang ayaw kong masaksak ah.
"Date date ka diyan! Patay ka kay Tita Alma pag nalaman to!" sabi ko sa kanya. Mula sa ^_^ ay naging O_O yung muka niya.
"Oo nga pala! Samahan mo ako Red ha! Sabihin mo napagtripan tayo!" sabi ni Patrick. Idadamay pa ako netong mokong.
"Aba! Idadamay mo pa ako sa kasinungalingan mo ah!" sabi ko. Idadamay pa ba naman kasi ako sa kasinungalingan niya eh ang bait bait ko kaya.
"Ayaw mo talaga? Sayang naman ang libreng pamasahe at pepsi blue ng isang linggo. Hays," sabi niya tapos ngumiti ng nakakaloko. Hays, alam talaga neto kahinaan ko. Pepsi blue and libreng pamasahe. (♥_♥)
"Oo na! Takte ka talaga, nakokonsensiya na ako sayo pre!" sabi ko. Hindi lang naman kasi ito ang unang beses, alam niyo na makalokohan tong si Patrick.
"Haha good! Papayag ka din pala eh." sabi niya sabay tumayo nadin. Bigla namang dumating si Kuya Arnold.
"*Ehem* *Ehem* Hmmm, pwede ko naman sabihin to kay Mareng Alma..." sabi ni Kuya Arnold at ngumiti ng nakakaloko. Hahahaha, patay ka Patrick! Mukang mapapadami ata ang libre mo.
"Hays! Tara na nga samin! Sagot ko na!" sabi ni Patrick. Wala pa kasi ngayon si Tita Alma, yung mga in-assign lang ni Tita Alma yung nagbabantay dun ngayon.
"Pitong extra rice ha?" sabi ni Kuya Arnold. Nanlaki naman ang mata ni Patrick.
'PITO?! DALAWA LANG!" reklamo ni Patrick. Hindi na ako magsasalita, papanoorin ko nalang silang dalawa ni Kuya Arnold.
"Matawagan na nga si Mareng Alma..." sabi ni Kuya Arnold na akmang kukunin yung cellphone niya. Hays, ang gulang talaga netong si Kuya Arnold, parang bata eh hahaha.
"Oo na! Tara na nga!" sabi ni Patrick sabay tumayo na din. Napa-tawa nalang si Kuya Arnold at sumabay nadin.
Pag-labas namin ay sabay-sabay kaming nag-lakad.
"Red, 2 extra rice lang sayo ha!" sabi niya. Aba! Ako pa gugulangan!
"Kuya Arnold, penge ngang number ni Tita Alma..." sabi ko tapos ngumisi. Nakuha naman ni Kuya Arnold kung anong gusto kong palabasin at yun kinuha yung cellphone niya.
"OO NA NGA! SHET TALAGA! MALULUGI AKO SAINYO EH!" sabi ni Patrick sabay napa-sabunot sa ulo. Hahahaha, pwede naman kasing sabihin kay Tita Alma agad eh, yan tuloy mukang mapapa-bulalo w/7extra rice pa ako.