--------------------------------------------------
Chapter 5: Falling in Love
“Mycko ba’t ka umiiyak? Tanong ko.” Pero nagulat naman ako ng yakapin niya ako.
Tapos ang higpit higpit pa…
“Uy Mycko okay ka lang ba?” tanong ko
Di ko kasi inaasahan na iiyak ang isang ito eh. Aba malay ko ba? Baka inaway siya hindi ba? Ganyan ba siya ka sensitive? At madali lang syiang umiiyak?
“Angel, salamat at bumalik ka na….” bulong niya sa akin
Eh? Angel? Binigyan niya ako ng Nickname? Eh kasi Angelica pangalan ko hindi ba?
“Matagal kitang di nakita ulit…..” dugtong pa niya
Matagal? Eh kanina alng naman kami di nagkita eh kasi tinataguan niya ako! OA naman nitong si Mycko!
Kumalas naman ako sa pagyakap niya.
“Uy ano ka ba Mycko, anong sinasabi mong matagal na tayo di nagkita? Eh kanina lang naman tayo nagkahiwalay eh.”s abi ko
Hinawakan niya naman ako sa magkabilang Braso.
“Angel! Di mo ba ako natatandaan? Ako to si mycko! Yung kababata mo sa states! Yung niligtas mo nung malapit na ako masagasaan!” sabi niya
Nagtataka naman ako sa sinasabi ni Mycko. Ano daw? Kababata? Niligtas? Sagasa? Ay! Nalilito na ako sa pinagsasabi nitong si Mycko!
Tinabig ko naman ang mg kamay niya at luamyo ng kaunti.
“Mycko hindi ako ang sinasabi mong Angel, I’m sorry, hindi talaga ako yun eh.” Sabi ko
Humakbang naman siya papunta sa akin pero humakbang rin ako papalayo. Yiih, natatakot ako kay Mycko ngayon eh!
“Angel please alahanin mo ako, nagmamakaawa ako.” Sabi niya
Tinignan ko si Mycko, para siyang isang bata nagmamakawa na bilhan siya ng laruan. Desperadong makuha ang gusto niya. Parang ibang side ni Mycko ang nakikita ko ngyon.
“M-mycko…. Isa akong Anghel hindi ako si Angel.” Mahinahong sabi ko

BINABASA MO ANG
My Fallen Angel [End.]
FanfictionCompleted [UNEDITED KAYA BAHALA KAYO KUNG GUSTO NIYONG BASAHIN ITO] // Ako nga pala si Mycko dela Cruz. Badboy, nainlove sa isang anghel na hulog sa langit. Paano niya kaya mababago ang napakapait kong karanasan sa kamay ng Dyos. Mababago niya kaya...