DEDICATED TO HER >>>>> Johanna! Miss na kita, bunso!
-------------------------------------------------------------------------------------------
Mycko’s Pov
“Angelica..gising…huy…” sabi ko habang inaalog alog siya.
Tss, tulog mantika rin pala ang babaeng to.
Ewan ko ba dito sa babaeng to tinulugan ba naman ako kahapon? Iyak siya ng iyak pero di naman sinasabi kung ano dahilan ng pag-iyak niya. Tss, at is it possible na umiyak ang anghel?
Pero, sabagay tao siya basta nasa mundo siya ng mga tao.
“Hmm….” Sabi niya at tinakpan ang mukha gamit ang kanyang kumot.
“Angelica, gising na! dali, masasayang ang oras natin yan dalawa eh.” Sabi ko kanya.
“Psh, oo na babangon na.” sabi niya habang inaayos ang upo niya sa kama.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit.
“Good morning my sweet angel.” Sabi ko
Tinulak niya naman ako palayo sa kanya.
“O-oy! A-ano bang g-ginagawa mo!” sabi niya
Ngumit naman ako at lalapit pa sana sa kanyaq kaso tinulak niya naman ako palayo.
“Asus, bakit ba ang mahiyain ng angel ko? Dali na hug mo ko!” sabi ko
Pinitik niya naman ang noo ko.
“Anong hug mo ko? Hoy mahiya ka naman! Wag PEE BEE BEE TEENS! Tapos na nga yung show, PBB teens ka parin! Yuck!” sabi niya naman.
Tumawa lang ako. Hahays, ang mga Anghel talaga mga innocente at concervative na mga anghel. Haha.
“Oo na po, dali magbihis ka na! may pupuntahan pa tayo.” Sabi ko
Tatayo na sana ako kaso pinigilin niya ako at niyakap. Alam niyo, ang labo rin kausap ng babaeng to, kanina gusto ko magpayakap tapos ngayon siya ang yayakap?
“Mycko, may sasabihin ako sayo, pero sana wag kang mabibigla ha?” sabi niya

BINABASA MO ANG
My Fallen Angel [End.]
FanfictionCompleted [UNEDITED KAYA BAHALA KAYO KUNG GUSTO NIYONG BASAHIN ITO] // Ako nga pala si Mycko dela Cruz. Badboy, nainlove sa isang anghel na hulog sa langit. Paano niya kaya mababago ang napakapait kong karanasan sa kamay ng Dyos. Mababago niya kaya...