Chapter 7: Miss you [part 2]
SETTING:HEAVEN
Angelica’s Pov
Hays, alam niyo ba? Ang saya-saya ko talaga nung nakabalik ako ng langit! Marami na akong nagawa dito, kaya malapit na rin ako magiging guardian angel! Yehey!
Kaso perong parte sa aking puso na medyo nalulungot. Hays, ewan ko ba! Basta kung naiisip ko si Mycko, ay may sumasakit sa may parte ng dibdib ko. Di ko siguro mapagkakaila na miss na miss ko na talaga siya. Sa tatlong araw ba naman na kasama ko siya palagi sino ba hindi?
“Uy lungkot mo ha?” tanong ni Krsita sa akin.
Ngumiti naman ako. Kahit alam kong pilit lang ito.
“Hindi, okay lang ako Krista, wag mo na akong alahanin…” sabi ko naman
Tinulak naman ako ni Krista pero mahina lang.
“Asus, deny deny ka pa dyan, obvious naman na si Mycko yun iniisip mo ee!” sabi niya
“Hindi noh!”
“Ay….. bawala magsinungalin..” sabi ni Krista.
Ooopss, Lord, sorry. Di ko sinasadya.
“Hehe, oo na. namiss ko yun taong yun eh. Kahit medyo maangas siya may puso rin pala.” Sabi ko
Yung naisip ko lahat ng naranasan ko sa kanya eh, napangiti lang ako ng wala sa oras.
“Uy… anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?” tanong s akin ni Krista.
Ngumiti lang ako sa kanya.
“Secret.” Sabi ko
“Aus… may secret ka pang nalalaman eh obvious naman si Mycko ang may dahilan eh!” sabi nito
Hahabulin ko na sana siya kaso di ko pa nahahabol eh ang layo na ng tinakbuhan. Tss, yung babaeng yun talaga!
“Dalawang taon na akong di nagparamdam sayo… Sorry.” Sabi ko habang nakatingin sa ibaba ng langit. Kitang kita ko siya dito sa ibabaw pero masaya na rin ako ngayon.
BINABASA MO ANG
My Fallen Angel [End.]
FanficCompleted [UNEDITED KAYA BAHALA KAYO KUNG GUSTO NIYONG BASAHIN ITO] // Ako nga pala si Mycko dela Cruz. Badboy, nainlove sa isang anghel na hulog sa langit. Paano niya kaya mababago ang napakapait kong karanasan sa kamay ng Dyos. Mababago niya kaya...