Chapter 6: My last day with you [Part 1]

5.7K 162 2
                                    

Angelica’s Pov

Nandito ako sa kwarto ni Mycko. Nagiisip.

DudDug.DugDug.

O.O

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Ba’t parang naabnormal ang heartbeat ng puso ko? BA’t parang kinakabahan na ay ewan!

WHAT IS HAPPENING TO ME?

Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon sa amin.

Waaaaaaaah! Nakakabaliw. Ba’t nahalikan ko siya! Or siya humalik sa akin? Or, ay ewan! Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari. Kahapon ko pa ron pinoproblema eh.

Argh… wag na nga lang problemahin. Sure naman akong aksidenta lang yun diba? DIBA?

Napatingin naman ako sa kwintas ko.

“Last day ko na pala ngayon….” Sabi ko

Hays, at least makakabalik na ulit ako sa langit dahil natapos ko naman ang mission ko eh tapos magaling na rin ang pakpak ko.

Ngumiti ako ng malungkot. Napaisip kasi ako. Makikita ko kaya ulit si Mycko? Makikita ko pa kaya ulit ang maamong niyang mukha na nagpapasya sa akin bawat araw na nandito ako sa mundo ng mga tao.

Di ko namalayan pero parang may tubig na tumulo sa mga mata ko.

Napahawak naman ako sa pisngi ko. Wag mong sabihing……

UMIIYAK AKO?

Dali dali ko naman tong pinahiran. Di ko alam pero ba’t ako umiiyak? At promise, ngayon ko lang to naransan sa tanang buhay ko. Angel’s don’t cry and I know that. Pero ba’t ganun? Umiiyak ako?

Bumukas naman ang pintuan ng kwarto at nakita kong papasok si Mycko kaya agad ko naman pinahirana ng mga luha ko, ayaw kong makita niyang umiiyak ako baka kasi magtanong siya. At yun ang inaalala ko dahil…. Wala akong maiisasagot sa kanya.

My Fallen Angel [End.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon