~15~ In love or not?

609 26 0
                                    

Chapter -15-


Sammuel Point of View


"Jasmine! Gumising ka na!"


Muli ko na naman kinatok ng malakas yung pinto ng kwarto niya. Pambihirang babaeng toh ang hirap gisingin! Ngayon ko lang gagawin na naman toh. Pag ganito kasi alam kong nagpuyat yang kapatid ko kaya hindi gumising na maaga. Minsan siya ang nanggi-gigising saakin. Pero ngayon hindi ko alam kung anong ginawa ng babaeng toh!



"Hoy! Samantha Jasmine Monteverde! Gumising ka na nga!"




Pumasok na ako sa kwarto niya. Pambihira! Tulog na tulog! Saglit ka nga ako iniinis mo ah!



Pumunta ako sa banyo. May sarili din siyang banyo dito sa kwarto niya. Kumuha ako ng isang tabong tubig. May tabo din kami just in case lang. Pumunta  ako sa na tutulog na Samantha Jasmine Monteverde. Pinatakan ko ng konti yung mukha niya pero pinunasan niya lang toh. Grabe! Hindi niya pa ba naramdaman?




Binuhos ko na sa mukha niya lahat ng tubig na nasa tabong hawak ko. Agad agad naman siyang bumangon. Opss! I'm sorry lil sis! Haha!


Makikita mo sa mukha niya na nagulat siya. Tumingin siya saakin ng masama. Kakainin niya ata ako ng buhay dito. Haha!




"AHHH!!!! BWISET KA!!! UMALIS KA NGA DITO!!"


Sumigaw na siya. Ang sakit sa Tenga yung sigaw niya. Takte!


"Haha! Ayaw mong nagising eh! May pasok tayo sam! Male-late na tayo yan eh!"

"Kailangan ka bang buhusan ako ng tubig?! Kainis ka! Umalis ka nga dito!"




Binato niya ako ng unan at buti nalang nakaiwas ako agad kung hindi natamaan na naman ang gwapo kong mukha. Haha nakakatawa talaga yung mukha niya.


"Kailangan mo talagang buhusan ng tubig tulog mantika ka kasi! Whahaha! Tulo laway ka pa kung matulog! Haha!  Dalian mo magbihis. Ginamit pala ni dad yung Lamborghini mo. Saakin ka na daw sumabay papuntang school. Hihintayin nalang kita sa baba" mahinahong sabi ko sakanya




"Humanda ka saakin mamaya Mr. Monteverde"




Lumabas na ako at bumaba na. Baka mas lalo pa akong matawa. Haha! Ang panget kasi ng reaksyon niya kanina eh. Haha! Takte! Uulitin ko yun pag hindi na naman siya nagising ng maaga. Haha!







Oo nga pala muntik ko ng makalimutan hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo. I'm sammuel Monteverde the hottest and handsomest in our university. Ang kapogian ko ang dahilan kung bakit marami akong chicks. Haha! I'm a protective brother of that kid. Haha! Medyo strict ako sa ilang bagay sakanya ganon ko kamahal yun.





Ang tagal naman nung babaeng yon! Anong oras na oh? Tsk!



Nakita ko na siyang pababa sa downstairs na nakasimangot. Haha! Galit ata saakin toh?

Tumingin siya ng masama saakin tapos lumabas na ng bahay. Haha! Sabi na nga ba eh galit saakin toh eh!


Lumabas na rin ako. Sasabay kasi siya saakin remember? Kinuha ni dad yung kotse niya.



"Tara na ang bagal mo!"



"Opo ma'am eto na po"



Haha! Hayaan ko nalang muna siyang magpakalma. Haha.


****

Naglalakad na ako ngayon sa hallway. Magkaiba ang building namin ng kapatid ko. Actually, I'm third year college taking the Bachelor of Science in business administration and management. Hindi po sa financial. Ayaw ko kasi yung sa banko ako nagtra-trabaho mas gusto ko pa sa company ni dad maraming chicks! Haha!

The Playboy and The Bad Girl[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon