~56~ Pwede ba manligaw?

215 6 0
                                    

Chapter 56

Samantha's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong umiiyak dito sa parking lot. Mabuti nalang at walang tao ngayon dito sa parking lot. Busy lahat sa loob ng bar. Pinunasan ko ang mga luhang na sa pisngi ko at dahan dahan na tumayo. Nahihilo ako kaya muntin akong natumba pero may naramdaman akong may sumalo saakin. Kaya kinabahan ako ng nakilala ko ang kanyang pabango. My favorite scent.


"Let's talk please?" Aniya


Tinulak ko siya upang makalayo saakin at masama ko siyang tinignan "Go away! Leave me alone!"



Tumingin ako sa mga mata niya. Puno ito ng emosyon na hindi ko matukoy. Nasasaktan na nagui-guilty? Hindi ko alam. At bakit naman sana siya masasaktan? Patawa siya.




"I can't leave you alone like this"


"Then stay away. That's all I want"

Mabibigat ang pinakawalan niyang paghinga at akmang lalapit saakin. Pero tinaas ko ang isang braso ko na para tumigil siya.

"Don't come near me!"

"Please, let's talk. It's not what you think"


Nagmamakaawa ang mga mata niya saakin ng tumingin ako sa mga mata niya. Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil pati ako nagui-guilty na din. What the hell?!


"Pakinggan mo lang ako, Sam. That's what I want"

"Ano pa ba papakinggan ko? Mga kasinungalingan mo?"


"Bakit ka ba nagkakaganyan? Nagseselos ka ba?"


Napahinto ako sa tanong niya. Hindi ako sumagot agad. Nawalan ako ng maisasabi. Fuck! Totoong nagseselos ako pero hindi ko aaminin yon! Over my dead body!



"You're imagining things"

"Don't deny it. It's so obvious"

Npatigil ako sa sinabi niya. Ganon na ba kahalata na nagseselos ako? Sobra naman yata siyang maobserba o sadyang totoo nga talaga ang sinabi niya.


Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilahin papasok sa bar. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakakapit sa wrist ko pero masyado itong mahigpit.



"Saan mo ba ako dadalhin?!" Sigaw ko sakanya


"We'll get a VIP room and let's talks about us"

"There's nothing between us"



Huminto siya saglit sa paghila saakin at lumingon saakin. Iniwas ko ang tingin ko sakanya ng nagtama ang tingin namin. Matunog siyang nagbuntong hininga bago ako hilain ulit papasok sa bar. Hindi na ako nagpumiglas pa dahil sobrang higpit talaga ang pagkakahawak Niya sa wrist ko.




Pumasok kami sa bar at sinalubong agad kami ni Ace. Tinanong niya ako kung anong nangyari at kung bakit daw namamaga ang mata ko. Hindi ko siya pinansin. Nakatango lang ako habang tingin ang kamay na nakahawak sa wrist ko. Hindi ko pwedeng sabihin na umiyak ako dahil lang sa nagseselos ako. Lalo na't andito si Jacob hawak hawak ang kamay ko.



Nagtanong si Jacob kay Ace kung pwede kami makakuha ng VIP room. Pasalamat nalang daw at merong VIP room na walang customer. Kaya dare-daretso kaming pumanhik sa second floor at pumasok sa pinakadulong VIP room. Binuksan ni Jacob ang pinto. Una niya akong pinasok bago siya pumasok. He locked the door and he face me seriously.



The Playboy and The Bad Girl[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon