~17~ Saturdate?

629 21 2
                                    

Chapter -17-

Samantha Point of View


Maaga talaga akong na gising bibisitahin ko pa kasi si lolo Nestor sa hospital. Naka confine kasi siya sa hospital nila klarra. Kasama ko naman si Jacob na bibisita. Bibili pa pala ako ng pagkain at prutas para sakanya.


About yesterday pinakiusapan ko si klarra na ako nalang ang magbabayad sa hospital bills ni lolo Nestor. Siya yung nahimatay sa park kahapon. Wala na daw kasi siyang pamilya ang tanging hanap buhay niya nalang ay mamalimos. Makikita mo palang sa pananamit niya parang pulubi na. Sabi niya kasi saakin kahapon may anak siya pero lahat sila nakapag asawa na pero kinalimutan daw siya ng mga anak niya dahil daw hindi niya kasi nabigyan ng magandang buhay ang mga anak niya. Sinisisi niya yung sarili niya kaya daw siya kinalimutan.



Nagpapahinga pa si lolo Nestor sa hospital kailangan niya daw kasi ito. Kung bakit daw siya nahimatay sa sobrang init at pagod. Magdamag ba naman siyang na sa init?




Bumaba na ako at nakita ko naman agad si dad sa may kitchen nagluluto. Meron na pala si dad hindi man lang nagsabi sila kuya.


Lumapit ako kay daddy na ngayon ay nagluluto ng pang breakfast. Meron na naman yung favorite ko. Hehe.


"Hi dad! Kailan ka pa nakauwi?"

Lumingon naman saakin si dad na parang nagulat. Nagulat siguro siya kasi agad agad akong sumusulpot sa tabi niya. Haha!


"Your so early Sam, saan ang punta mo?"


"Sa hospital"

Natigilan si dad sa sinabi ko. Pinatay niya yung stove tapos hinarap ako. Tinignan niya ako ng parang gusto niya akong mag explain. Yes, I know pag ganyan na yan dapat mag explain ka na.

"Fine! May tinulungan lang akong matanda na nahimatay sa park kahapon which is andun din ako. Dinala ko siya sa hospital kasi mukhang nahihirapan na siya. It's reminds me of grandpa too so I help him. Ayaw ko ng may nakakakitang matanda na nahihirapan, dad, you know it, right?"


Totoo yan. Ayaw ko talagang may nakakakitang matandang nahihirapan dahil sa sakit niya. Katulad ni lolo. Masakit pa saakin ang nangyare sakaniya.



"Okay, I get it. But Sam be careful. Malay mo pinagloloko ka lang nyan"


"No, dad, hindi naman ako nagpapaloko"


Ngumiti saakin si dad sabay ginulo niya yung buhok ko na parang aso. Parehas na parehas sila ni kuya eh! Ano ako aso? Sa ganda ko tong?


"Before you go eat first, okay?"

Ngumiti ako sakanya at niyakap siya "Okay, dad. I miss you so much dad"

Niyakap niya ako pabalik "I miss you too baby"



Kumalas na ako sa pagkakayakap at pumunta na sa dining table. Gutom na rin naman na ako hindi kasi ako kumain kagabi dahil sa emotional ako kagabi.


****

"Ano? Okay na ba siya?"

"I'm not sure Sam"

Naglakakad kami ngayon dito sa corridor ng hospital. Papunta kami ngayon sa room ni lolo nestor. Pagkapasok namin naabutan namin si lolo nestor na natutulog pa. Pumasok kami at nilapag ko sa side table yung dala kong prutas at pagkain. Ang himbing ng tulog ni lolo.


"He must be so very tired"

Sabi ni Jacob. Nakaupo ako sa couch tumabi naman siya saakin. Tumingin ako sakanya sakto naman na nakatingin din siya saakin habang nakangiti. Anong meron?




The Playboy and The Bad Girl[On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon